Episode 12

1.1K 37 17
                                    

Dalawa kami ni Dimple ang bumyahe papunta sa tirahan nila Tiya Marites. Pagdating ko palang doon ay nakita ko na ang mga gamit ko na nakakalat sa labas ng pintuan nila.

Nagmamadali akong kinuha ito.

Bukas ang bag ko ng nakita ko at gula-gulanit ang iba kong damit.

Maluha-luha akong pinupulot ang mga gamit ko sa sahig. Madumi na itong lahat.

"Sobra na ang Tiyahin mo!" inis na sambit ni Dimple habang tinutulungan akong magpulot ng mga damit ko sa sahig.

"Hayaan mo na." sambit ko sa kanya.

Habang nag aayos ako ng mga damit ko sa labas ng bahay nila Tiya ay nakita ko na wala yung pinaka iingatan kong dress na binigay sa akin ni Inay.

"Wala yung dress ko Dimple!" sambti ko sa kanya.

"Tingnan mo lang diyan baka nalagay mo sa kabilang bag mo?" 

"Wala! Kanina ko pa hinahanap yung damit ko," sambit ko sa kanya.

Tumayo ako at dire-diretso akong pumasok sa loob. Nakita ako ni Tiya Marites at agad niya akong pinigilan pumasok.

"Diba sabi ko sayo wag ka ng papasok dito sa pamamahay ko!" galit na sambit ni Tiya sa akin.

"Kukunin ko lang po yung dress ko baka naiwan sa itaas," sambit ko kay Tiya Marites habang inililihis ang katawan ko paakyat ng hagdan.

"Ang sabi ko umalis ka sa pamamahay ko!" sigaw niya sa akin sabay hila ng buhok ko.

Nalaglag ako sa hagdan at nakita ito ni Dimple. Nakita niya kung paano ako inilaglag ni Tiya sa hagdan.

"Parang awa mo na Tiya kukunin ko lang yung dress na binigay sa akin ng Inay ko," habang nag mamakaawa.

Ngunit hindi siya nagpadaig sa sinabi ko at pinagsasabunot ako.

Hinila siya ni Dimple para hindi ako masaktan at nahila nga siya ni Dimple. Wala na akong magawa kung hindi ang lumaban sa kanya. Hinablot ko ang buhok ni Tiya at pinagsasampal-sampal ko siya sa mukha niya. 

Sigaw ng sigaw si Tiya sa ginawa ko kaya ng makakuha ako ng tiempo ay umakyat na ako sa kwarto ni Ella para tingnan ang dress ko. At hindi nga ako nag kamali sa hinala ko pagpasok ko sa loob ng kwarto niya ay nakita ko siyang sinusukat ang damit na binigay sa akin ni Inay.

Agad ko siyang itinulak at inihubad ang damit ko sa kanya. Aalis na sana ako ng nakuha ko ang damit ko ngunit bigla akong binalingan ng sampal at sabunot ni Ella. Hindi ako agad nakabawi sa kanya at naitulak niya ako sa cabinet niya dahilan kaya ito ay nagbukas. Ang sa pagbukas ng cabinet niya ay nakita ko ang sobre na binigay sa akin ni Itay. Sobre na naglalaman ng pera na magagamit ko sa pag aaral ko.

Uminit ang ulo ko at agad kong sinunggaban si Ella. Sinabunutan ko siya ng sobrang lakas at iniuntog ko siya sa sahig ng nalaglag siya.

"Sinungaling! Magnanakaw! Inggitera! Halimaw!" sigaw ko sa kanya habang pinag sasampal ko siya.

Walang kalaban-laban si Ella sa ginawa ko sa kanya sapagkat inupuan ko siya sa tiyan niya habang pinagsasampal-sampal ko siya.

Biglang dumating sa taas si Tiya Marites habang sinasampal-sampal ko si Ella at nakita niya na nakapatong ako sa anak niya kaya hinila niya ang buhok ko at pinagsasapak ako sa ulo. Hindi din tumagal at rumispunde si Dimple sakin habang hila-hila paalis sa akin si Tiya Marites.

Sobrang ingay ng bahay nila Tiya Marites at sobrang dami na ng tao sa labas ng bahay nila na sumisilip-silip sa loob. Puro kalmot na ako ni Ella at Tiya ng dumating si Aling Martha kasama ang mga tanod.

Probinsyana Series: Book 1- I SOLD MY SOUL TO THE DEVIL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon