Episode 50

794 36 9
                                    

Nagising ako na may ngiti sa mukha ko.
Lumingon ako sa tabi ko at nakita kong wala na si Lucio kaya bumangon na ako at bumaba sa kusina.

Habang nag lalakad ako pababa ay nakita ko si Alma na naglalampaso ng sahig.

Ngumiti ito sa akin at biglang bumati.

"Magandang umaga po Ma'am Gianna." nakangiting sambit niya sa akin.

Ngumiti ako sa kanya at tumungo na sa kusina.

"Nag iba ang ihip ng hangin." pailing-iling na sambit ko.

Pagpunta na pagpunta ko sa kusina ay nakita ko si Manang Pasing na nagluluto.

"Manang, Good morning po! Si Lucio po?" bati ko sa kanya sabay tanong.

"Pumasok na si Lucio dahil may emergency daw sa office. Hindi ba nakapag paalam sayo?"

"Hindi po Manang. Napasarap po ata ang tulog ko kaya hindi na niya ako ginising,"

"Baka nga. Upo kana para makapag agahan kana,"

"Salamat po Manang."

Umupo na ako sa upuan upang mag agahan. Inaya ko na sila Manang at Alma para makasalo ko sa hapag kainan.

Habang kumakain ako ay hindi ko mapigilang maburyo. Napaka plain ng araw na to kasi wala si Lucio. Ewan ko parang hindi na kumpleto ang araw ko na hindi siya nakikita.

"Ano kayang pwedeng gawin?" bigla ko nalang naitanong sa kanila.

"Gawin? Hmmmm...," sambit ni Manang habang nag iisip ng pwedeng gawin.

"Mag gym?" biglang sabat ni Alma.

"Gym? Nahihibang kana ba? Buntis yung tao tapos pag gi-gymin mo?" inis na sambit Manang kay Alma.

"Eeh? Wala kasi akong maisip na pwedeng gawin niya," reklamo ni Alma.

"Ooh! Wala ka naman palang maisip sasabat-sabat ka pa!" sigaw ni Manang sa kanya.

"Hayaan mo na Manang. Mukang maganda po ata yung sinasabi niya. Meron kasi akong nakita sa internet na yoga for pregnant women. Isa itong exercise para mapadali ang panganganak ng isang buntis," paliwanag ko.

"Ayy siya. Basta ingat lang baka kung anong mangyari sayo kapag nabinat ka,"

"Salamat po sa pag aalala Manang! I love you!" nakangiting sambit ko sa kanya habang niyayakap ko siya.

"Nako! Nako ikaw talagang bata ka."

Habang nasa kalagitnaan kami ng aming pagkain ay biglang tumunog ang doorbell mula sa labas. Agad na tumayo si Alma para buksan ito makaraan ang ilang minuto ay bumalik siya sa kusina dala-dala ang isang napaka laking bungkos ng bulaklak.

"Para sayo ooh!" sambit ni Alma sa akin habang abot-abot ang bulaklak.

"Malamang galing to sa asawa ko," nakangiting sambit ko sa kanila.

"Alangan naman sa ibang lalaki yan manggagaling," Pilosopong sambit ni Alma sa akin.

"Napaka tabil talaga ng bunganga mo! Sana all may bulaklak! Diba Alma?" pang aasar ko sa kanya.

"Sana all nga po Ma'am?" sambit ni Alma.

"Kunan mo ako ng vase para dito. Ilalagay ko ito sa kwarto namin," Utos ko kay Alma.

Tumayo si Alma sa kinauupuan niya at kumuha ng vase sa cabinet nilagyan niya ito ng tubig at sprite saka kinuha sa akin ang bulaklak.

"Ako na mag aakyat nito sa kwarto," nakangiting sambit ko sa kanya.

Probinsyana Series: Book 1- I SOLD MY SOUL TO THE DEVIL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon