Episode 21

976 31 8
                                    

"Did I really lost my virginity last night?" tanong ko sa sarili ko habang nasa biyahe kami ni Dimple.

Malalim ang iniisip ko habang pinipilit kong inaalala ang mga nangyari sa amin kagabi.

"Dim, Anong gagawin ko?" natatakot kong sambit kay Dimple.

"Sure ka ba na nag sex kayo? Baka naman nababaliw ka na naman aah?" natatawang tanong sa akin ni Dimple.

"Hindi ko sure! Basta kanina pag gising ko naka bra at panty naman ako pero siya hubod-hubad!" napalakas kong sambit sa kanya.

Habang nag kukwentuhan kami ni Dimple ay napatingin sa amin ang mga pasahero ng jeep.

"Maya na tayo mag kwentuhan," mahinang sambit ko sa kanya.

"Sige." sambit niya habang nakangiti.

Itinuon ko nalang sa pag cecellphone yung atensyon ko habang nasa biyahe kami ni Dimple. Mabilis ang biyahe ngayon sapagkat maaga pa ng nakauwi  kami.

Pagkababa na pagkababa namin ni Dimple sa jeep ay agad kaming sumakay ng tricycle.

"Dim!" sigaw ko kay Dimple.

"Ano!" pagsusungit niya sa akin.

"Kasi naman! Natatakot ako baka balikan ako nung lalaki," sambit ko sa kanya.

"Bahala ka diyan! yare ka! Pakarat ka aah! Sa susunod wag ka ng iinom ng alak dahil isa kang mahinang nilalang. Nako! dahil sa alak nakagawa ka ng bagay na ikasasama mo," natatawang sambit niya.

"Bakit ka tumatawa? Nang aasar ka na naman eeh," sambit ko sa kanya.

"Sinong hindi matatawa diyan? Para kang natitimang ngayon. Yare ka pag nabuntis ka nun tapos hindi ka pinagutan,. Tsk-tsk-tsk," natatawang sambit sa akin.

Bigla ko siyang nahampas ng kamay ko.

Nanlaki bigla ang mata ni Dimple sa akin kaya nagulat ako sa kanya.

"Huy! Bakit?" kinakabahang tanong ko sa kanya.

Bigla niyang hinawakan yung kamay ko sabay turo ng singsing sa palasing-singan ko.

"Shit! Diamond ba to?" mahinang sambit niya sa akin.

"Hindi ko alam! Dim! Ano to?" natatakot na tanong ko sa kanya.

"Hindi ko alam pero ano to? may isa pang singsing ooh!"

Tinanggal ko agad yung singsing sa kamay ko at agad na itinago ito.

"Dim, hindi kaya nagnakaw ako kagabi? Paano kung yung guest ko ninakawan ko? Paano na to Dim?" tanong ko sa kanya.

"Ssshhh.. Hindi ka mag nanakaw alam ko yan pero teka? lasing ka na naman kagabi?" tanong ko sa kanya.

"Piling ko nalasing ako kagabi kasi dalawa lang kaming uminom,"

"Hala! patingin ng singsing dalian mo! May naisip ako at sana hindi ito yun,"

"Ano?" habang abot-abot yung singsing sa kanya.

"Oh My Goshhh!" sigaw ni Dimple.

"Ano yun!" kinakabahang sambit ko sa kanya.

"Wait baba lang muna tayo. Ito po bayad Ma," sabay abot ng bayad ni Dimple sa driver.

Pagkababa namin sa tricycle ay nakita namin ang magandang sasakyan na nakapara sa harap ng bahay namin ni Dimple.

"Ang ganda naman ng sasakyan na to? Kanino kaya to?" natatakang tanong ko kay Dimple.

"Hala ka! Baka yan na yung nakasama mo kagabi," biro niya sa akin.

Probinsyana Series: Book 1- I SOLD MY SOUL TO THE DEVIL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon