Pagkatapos kong kumain ng french fries at nachos ay umakyat na ako sa kwarto ko para matulog.
Umupo ako sa kama ko ng mga oras na ito habang unti-unti akong hinihila ng kama.
Lumipas ang ilang minuto ay nakatulog na ako.
Hindi ko na alam ang oras ng magising ako sa isang mahabang tulog. Pag gising ko ay umupo muli ako sa kama ko.
Nakatambay lang ako sa kwarto ko ng mga oras na ito.
Tamang upo lang muna sa couch habang nag mumuni-muni ng bigla ko ulit maisipan manuod nalang ng kdrama.
"Ang dami ko ng napanuod na kdrama pero iilan lang kilala kong artista. Anak isa sa mga 'to ang Tatay mo ang popogi ano?" nakangiti kong sambit habang kinakausap ang baby sa tiyan ko.
Habang nanunuod ako ng palabas ay parang na bo-boring ako na ewan. Basta parang hindi kumpleto ang araw ko.
Binuksan ko ang pinto at sumilip ako sa labas. Mukang tulog na ang lahat kaya kinuha ko ang laptop ko at pumunta ako sa terrace para doon manuod ng palabas. May hangin chair sa terrace kaya pwede ako doon umupo habang nanunuod ng palabas.
Pagpunta ko sa terrace ay napansin kong mahangin kaya bumalik ako sa kwarto ko para kumuha ng medyas , sumbrero at jacket.
Mahamog na kasi ng mga oras na ito. Ingat na din tayo para kay baby. Habang binabaybay ko ang daanan papunta sa kwarto ko ay may narinig akong kalabog mula sa kabilang kwarto.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko para gawin ko 'to. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto ni Lucio at nakita ko silang dalawa ni Celine na magkalapat ang mga labi.
Ang tanga-tanga ko sa point na alam ko na ngang may nangyayaring kababalaghan pero binuksan ko pa rin yung pinto.
Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa habang nakikita ko silang nag hahalikan. Sobrang nakakadurog ng puso yung nangyayari.
Diba nga nung una palang sinabi na namin ni Lucio sa isa't-isa na walang mahuhulog sa aming dalawa. Show lang lahat ng mga nangyayari sa amin at bayad ako sa ganun.
I'm pregnant and I'm stupid!
"Unti-unti na akong nauupos Lucio! Kailan mo ako mamahalin ng buong-buo?" sambit ko habang papalayo sa kwarto ni Lucio.
Paubos na luha ko kakaiyak sa walang kwentang tao na yun.
"I will still give you chance atlist! Hihintayin kong magising ka sa bangungot mo bago ako mag gi-give up sayo," sambit ko.
Martir na kung martir pero ako yung tipo ng tao na madaling mag patawad ng mga taong nag kasala sa akin.
Kahit na nawalan na naman ako ng kakampi ay may natitira pa naman akong mga guardian angels ko.
Nakaupo ako sa kama ko habang pinupunasan ang mga luhang dumaloy sa mga mata ko ng bigla kong naalala ang laptop ko sa terrace.
I was walking in the hall ng may naamoy akong cigarette.
Pag labas ko sa terrace ay nakita ko si Celine na nag hihithit ng yosi. I took a picture of her secretly tapos saka ako dumaan sa harap niya. Hindi niya ako nakita agad kasi madilim sa terrace ng mga oras na ito.
"Wala ka bang delikadesa kahit kaunti man lang?" galit na sambit ni Celine sa akin.
"Sino kaya sa ating dalawa? Alam mo para kang pakbet," sambit ko sa kanya sabay kuha ng laptop ko.
"Anong pakbet?" inis niyang tanong sa akin.
"Pi-nak lang pero hindi BET!"
"Kung hindi lang ako buntis kanina pa kita inano!"
"Inano? Ina mo!"
Tinalikuran ko na si Celine at nag madali na akong naglakad papunta sa kwarto ko. This is not Good! Anytime anywhere pwede akong saktan ni Celine at hindi siya nagbibiro sa sinasabi niya.
Binuksan ko ang laptop ko at bigla itong tumunog.
"And now, The end is near and so I face the final curtain."
Agad kong pinatay ang laptop ko dahil sa kantang narinig ko.
"Ano 'to? May taning na ang buhay ko? Ang pangit naman na pangitain 'to!" Kinakabahang sambit ko.
Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kantang to "MY WAY" parang may masamang pangitain yung kanta. Kailangan ko na bang lisanin ang bahay na to? Mukang hindi na ako ligtas dito.
Kinuha ko ang cellphone ko at hinanap ko sa phone book ko ang number ni Tiyo Don Franco.
Sinubukan ko siyang tawagan sa number niya ngunit hindi ito sumasagot sa tawag ko kaya nag iwan nalang ako ng isang mensahe.
Tiyo,
Maaari ko po ba kayo makapanayam? Gusto ko po sana nakausap kayo ng personal. Reply po kayo kung nakauwi na po kayo ng pilipinas.
Inilagay ko sa dibdib ko ang cellphone ko habang nananalangin na sana mabasa niya ang mensahe ko sa kanya.
"Pls! Pls! Sana mabasa niyo ang message ko. Kailangan ko ng tulong." sambit ko habang natotorete.
Sinimulan kong maglabas ng mga gamit ko. Iiwan ko lahat ng damit at mga gamit na binigay ni Lucio sa akin.
Habang nag iimpake ako ng mga gamit ko ay may kumatok sa kwarto ko.
Dahan-dahan ko itong binuksan at nakita ko si Lucio na nakatayo sa labas. Parang wasted na wasted siya sobrang parang problemado ang mukha niya kaya pinapasok ko agad siya sa kwarto ko.
"Anong problema?" tanong ko sa kanya.
Biglang bumuhos ang luha sa mga mata ni Lucio. Walang pasubali na bigla siyang umiyak sa harap ko.
"Pumasok ka nga dito." Nag aalalang sambit ko sa kanya.
Pumasok si Lucio sa kwarto ko at umupo sa couch. Sinara ko agad ang pinto ng kwarto ko at binigyan ng tubig na maiinom si Lucio.
"Mabuti nalang at nagdadala ako ng tubig ko dito sa kwarto. Anong nangyari" tanong ko sa kanya na may pag aalala.
"I can't tell to you. I just want your hug," Malungkot niyang sambit sa akin.
Wala na muling tanong-tanong at niyakap ko nalang siya ng mahigpit.
"Thank you Blaire at hindi mo ako pinag tabuyan ngayon,"
"Matitiis ba kita? Syempre mahal kita kasi asawa kita. Diba dapat sinasabi mo sa akin yung problema mo kasi mag asawa tayong dalawa?" tanong ko sa kanya.
"I don't want to bother you. Tsaka ako na 'to hayaan mo akong gumawa ng solution sa problema na to. Ang isipin mo ngayon ay yung pagdadalang tao mo,"
"Pag dadalang tao ko?"
"Ayy oo nga pala. Pasensya na kung nasabi ko yun umaasa kasi ako na sayo ako mag kakaanak pero hindi," malungkot niyang sambit.
"Paano kung sabihin kong--" Putol na sambit ko.
Sasabihin ko na sana kay Lucio ang pag bubuntis ko ngunit biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
"Teka buksan ko lang yung pinto."
Tumayo ako sa upuan at binuksan ko ang pinto. Pagbukas ko ay nakita ko si Celine na galit na nakapameywang.
Walang habas na binuksan niya ang pinto ng kwarto ko at hinanap si Lucio.
"Sabi ko na nandito ka!" Galit na sambit niya kay Lucio.
"Bakit? Wala na ba akong karapatan na puntahan ang asawa ko?" tanong niya sa kanya.
"Wala!"
"Sige na. Pumunta kana sa kwarto mo at nanggagalaiti na yung kabit mo,"
"Sige." sambit niya sa akin sabay halik sa pisngi ko.
Nakataray na nakatingin sa akin Celine ngunit ngumiti ako kay Celine para mas lalo siyang mabadtrip.
Ni-lock ko na ang pinto ng kwarto ko at pinag patuloy ko na ang pag iimpake ko.
Ito ang mga damit na dadalhin ko sa pag uwi ko sa probinsya.Ilang araw nalang at pasko na. Birthday na ng Mahal ko. Ibibigay ko ang regalo ko na alam kong sasaya siya ng sobra.
BINABASA MO ANG
Probinsyana Series: Book 1- I SOLD MY SOUL TO THE DEVIL (COMPLETED)
RomansBlurb: Iniwan ko ang payak na pamumuhay sa aming munting baryo upang makapag aral sa isang nursing school sa maynila. Hindi naging madali ang pamumuhay ko dito sapagkat hindi ako sanay sa maingay at magulong mundo ng maynila. Hindi ko lubos maisi...