Kinabukasan
Mugto ang mga mata ko at namumula-mula pa.
Bumangon na ako sa kama ko at bumaba na ako sa kusina para mag agahan. Medyo nagugutom na din kasi ako dahil sa maghapon akong walang kain.
Maaga pa naman at medyo madilim-dilim pa kaya panigurado na walang tao sa baba.
Katulad ng dati nag dadahan-dahan akong maglakad sa hagdan para kung sakali na may madulas na naman ay makahawak ako agad sa grills.
Pagbaba ko sa kusina ay agad kong binuksan ang ref.
Kinuha ko ang kapiraso ng mga pwedeng iluto at nag luto ako agad ng makakain ko.
Nasusuka man ako sa amoy ng pagkain ko ay pinili ko pa rin itong kainin dahil sa nagugutom na ako. Wala na rin namang mag aalala sa akin kaya kikilos ako para sa sarili ko. Pagkatapos kong kumain ay nag timpla ako ng gatas at pumunta ako sa veranda. Ito ang unang beses ko na pumunta dito.
Malakas na simoy ng hangin, Amoy ng mga damo at napaka tahimik na kapalagiran.
Habang nakatanaw ako sa malayo ay hindi ko na naman maiwasang maluha dahil sa kalungkutan. Patuloy na umaagos ang luha sa mga mata ko ngunit mabilis din itong natutuyo ng malakas na hangin.
Malamig na ang gatas ko kaya inubos ko na ito. Dito lang muna ako sa veranda para makaiwas din ako sa gulo sa loob.
HINDI AKO AALIS SA BAHAY NA ITO AT HINDI KO IPAPAUBAYA SA IBA ANG ASAWA KO.
Yan ang lagi kong sinasambit ngayon! Mag papakatanga na muna ako at mag papakamartir dahil ako ang legal na asawa at kabit lang siya! Nasa akin pa rin ang alas!
Habang nakaupo ako sa upuan sa veranda ay may biglang humawak sa balikat ko.
"Anong ginagawa mo dito?"
Lumingon ako sa likod ko at nakita ko si Lucio na parang nag aalala sa akin.
"Bakit ka nandito? Doon ka sa Celine mo mamaya ako na naman ang kakawawain niya dito," inis na sambit ko sa kanya.
"Sabihin mo sa akin kung bakit naging ganito tayong dalawa! Sabihin mo!"
"Ikaw ang nagbago Lucio hindi ako. Masyado kang nagpapalason sa ex mo. Mag hiwalay nalang tayo Lucio," seryoso kong sambit sa kanya.
"Ayoko! Your mine! Akin ka! At walang makikinabang sayo kung hindi ako lang,"
"Hindi mo ako pag mamay ari Lucio." sambit ko sa kanya sabay talikod.
"I... I... I...,"
"Ayan ka na naman sa I mo! Buuin mo naman Lucio! Ano ba yan? I hate you? I care for you? I miss you? O I lo-" putol kong sambit.
"Hi Babe!" sigaw ni Celine kay Lucio sabay halik sa pisngi nito.
Umalis na ako sa harap nila at pumasok na ako sa kwarto ko.
Lumayo na nga ako sa kanila pero bakit lapit pa rin sila ng lapit sa akin? Gusto ko lang ng payapang pamumuhay ngunit habang tumatagal ay nagiging magulo ang buhay ko.
Hindi nga ako aalis dito! Ako mismo ang huhuli sa panloloko ni Celine sa asawa ko. Mayaman lang siya kaya akala niya kaya niya ako pero ang totoo takot siya sa akin.
Ni-lock ko ang kwarto ko para walang makapasok sa loob. Pumasok ako sa banyo para maligo dahil pupunta ako sa ibang ospital o clinic na pwede kong pag check upan dahil alam ko naman at hindi ako tanga katulad ni Lucio na mag papakabobo sa harap ng mga kaibigan niya.
Alam na ngang iniiputan tuwang-tuwa pa ang tanga!
Habang nakalusong ako sa bathtub ay nag iisip na ako ng mga posibleng mangyayari o mga gagawin ko para mabunyag ang kabahuan ni Celine.
BINABASA MO ANG
Probinsyana Series: Book 1- I SOLD MY SOUL TO THE DEVIL (COMPLETED)
RomanceBlurb: Iniwan ko ang payak na pamumuhay sa aming munting baryo upang makapag aral sa isang nursing school sa maynila. Hindi naging madali ang pamumuhay ko dito sapagkat hindi ako sanay sa maingay at magulong mundo ng maynila. Hindi ko lubos maisi...