"Kinikilig ka na naman diyan! magluto kana!" sigaw ni Dimple sa akin.
"Eto na! Eto na! Napaka KJ neto purkit walang love life," pang aasar ko sa kanya.
"Ok lang na single basta walang sabit! Bleeeehhh,"
"Magiging ok din ang lahat pangako yan,"
Itinuon na ni Dimple ang atensyon niya sa pag se-cellphone at pinagpatuloy ko na din ang pagluluto.
Ilang minuto lang ang lumipas at natapos na ako sa pagluluto kaya agad akong naghain ng pagkain sa la mesa at kumain na kami ni Dimple.
Naging tahimik ang pagkain naming dalawa. Walang ni isang salita ang lumabas sa aming bibig hanggang sa nai-open ko na yung gaganapin na wedding celebration namin ni Lucio sa mga kaibigan at kasosyo niya.
"Next week pala may dinner kami nila Lucio kasama ang mga kasosyo niya. Natatakot ako sa mga mangyayari Dim," sambit ko sa kanya,
"Stay cool lang para hindi ka pumiyok,"
"Sige. Kaso kailangan kita doon para may makausap ako,"
"Ayoko. Mamaya yung mga bisita niyo dun parokyano ko sa bar edi nayare na,"
"Hala! Oo nga? Paano kung isa sa mga bisita ni Lucio naging guest ko din paano na yun?"
"Di yan! Ilang buwan ka lang naman sa bar eeh. Tsaka may tagapagtanggol ka naman dun,"
"Sabagay. Kamusta pala yung study nyo ni Bakla? Ready na ba kayong dalawa next week?"
"Keri naman! Matalino naman si Mamshie kaya hindi kami lalagapak!" natatawang sambit niya sa akin.
"Good kung ganun!"
"Eh kayo ni Gabriel? Kamusta naman yung sa inyo? Anong nangyari sa inyong dalawa bakit aalis na siya ng pinas?" naguguluhang tanong niya sa akin.
"Nakwento ko na to kanina diba?"
"Gaga wala ka pang na chika sa akin! Ano nga kasing nangyari sa inyong dalawa?"
"Umamin na kasi si Gabriel sa akin na may gusto siya sa akin tapos pinakilala niya ako sa mga magulang niya na girlfriend niya. Syempre sinabi ko hindi ko totoo yun,"
"Sinabi mo na may asawa ka na?"
"Hindi din,"
"Tapos Dim hinalikan ako ni Gabriel sa labi nung hinatid niya ako sa terminal ng jeep nakita ni Lucio kaya agad niyang sinapak si Gab sa mukha,"
"Exciting! Ano pang nangyari?" nakangiting sambit ni Dimple sa akin.
"Luh? Grabe ka Girl! Syempre hindi nakabawi si Gab kaya tingnan mo yung mukha niya kanina puro bangas! Nakakaawa lang si Gab,"
"Wala kang magagawa kahit na peke yang kasal niyo ni Lucifer may damdamin pa din yun! Syempre naapaka yung ego niya i mean pagkalalaki niya kasi nasaksihan niya yung asawa niya na hinalikan ng ibang lalaki,"
"Hindi nga din alam kung paano ako nahagilap ni Lucio samantalang nasa kanya ang cellphone ko,"
"Malay mo pag punta mo palang dun sa bahay nila Gab nakabuntot na siya sayo?"
Bigla akong napaisip sa sinabi ni Dimple sa akin. Malamang sinundan nga talaga ako ni Lucio kasi nung umalis ako sa office niya hinabol niya ako papunta sa elevator.
"Inaantok ako! Pa idlip ako Dim aah,"
"Bahala ka."
Pagkatapos kong kumain ay humilata na ako agad sa kama ni Dimple. Hindi ko alam bat antok na antok ako ngayon piling ko pagod na pagod ako na hindi ko maintindihan.
BINABASA MO ANG
Probinsyana Series: Book 1- I SOLD MY SOUL TO THE DEVIL (COMPLETED)
RomanceBlurb: Iniwan ko ang payak na pamumuhay sa aming munting baryo upang makapag aral sa isang nursing school sa maynila. Hindi naging madali ang pamumuhay ko dito sapagkat hindi ako sanay sa maingay at magulong mundo ng maynila. Hindi ko lubos maisi...