Episode 24

909 28 4
                                    

Nakangiti akong pumasok sa loob ng room na naka assign sa akin at sa pag pasok ko ay may taong nandoon na hindi ko inaasahan na papasok sa gantong lugar.

"Oww! Small world ika nga," sambit ni Ella sa akin habang nakataray.

"Ooh? sino yan?" tanong ng isang lalaki sa kanya.

"Ang probinsyana kong pinsan si Gianna,"

"May pinsan ka palang maganda Ella?" sambit ng kasama niya.

"Pinsang pokpok! Tingnan mo naman ang suot niya very revealing para lang mag karoon ng client," natatawang sambit niya sa akin.

Hindi ako nag salita ni isa mang salita dahil guest ko sila. Kapag nakipag talo ako kay Ella it may effect may performance at yung ratings ng company.

Inulan na naman ako ng pang lalait mula sa bruha kong pinsan.

"Si Gianna pala yung pinsan kong utusan! Umalis kana nga sa bahay para hindi ka na mautusan tapos nag trabaho ka pa ng ganto? Kawawang probinsyana," natatawang sambit niya sa akin.

"Alam niyo yang si Gianna? Sinasampal-sampal ko lang yan at inuutos-utusan sa amin. Kawawa para siyang aso! Sunod-sunuran sa mga utos namin tapos kinakain niya mga tira-tirang pag kain namin. So kadiri!"

Lumingon ako sa ibang direksyon ng kwarto at tinanong ko ang isang babae doon kung anong oorderin nila.

"Ano pong oorderin niyo Ma'am? Meron po kaming snacks and meals dito," nakangiting sambit ko dun sa babae.

Tumingin ito ng matalim sa akin sabay biglang tawa.

"Girl! Yung kilay mo hindi pantay! gusto mo bang tulungan kita mag pantay ng kilay mo?" sambit niya sa akin.

"Aahh... Ako na po mag aayos nito mamaya," sambit ko sa kanya.

"No! I insist ako na mag papantay ng kilay mo para naman presentable ka sa mga guest mo,"

Pinaupo niya ako sa upuan niya sabay labas ng make up kit niya.

Pinortehan niya yung kilay ko sabay madiin niyang nilagyan ng brow clay.

"Girl! yung lipstick mo masyadong mapusyaw para ka tuloy walang buhay," sambit niya sa akin. 

Kumuha siya ng red lipstick at nilagyan ako muli ng lipstick. Makapal ang pagkakalagay niya ng lipstick sa akin at habang nilalagyan niya ako ng lipstick ay sinangga siya ng katabi niyang lalaki.

"Oopss! Sorry!" natatawa niyang sambit.

Nag pipigil ng tawa yung mga kasama niyang lalaki at pati na si Ella.

"I will add some eye shadow para naman mas gumanda ka,"

She use dark shade para sa akin which is not applicable sa skin tone ko.

They burst into laugh! Pinag tripan nila ako! Habang patuloy niyang binababoy ang mukha ko ay nag sisimula ng tumulo ang luha sa mga mata ko.

"Ella? Ok na ba to?" natatawang tanong niya kay Ella.

"I told you! See! Parang tanga eeh noh? Nag pa make up sayo? Ang ganda mo diyan Gianna!" natatawang sambit niya sa akin.

"Alam mo girl! Know who you messed with kasi para hindi ka nagaganyan? May balak ka pang landiin yung boyfriend ko? Kung akala mo madadaan mo ako sa ngiti mo? I'm not!"

"Wala naman akong ginagawang masama sayo?"

"Aaahh sumasagot ka pa?"   

"Hindi naman po Ma'am, Ano na pong order niyo para madala ko sa inyo?" tanong ko sa kanya.

Probinsyana Series: Book 1- I SOLD MY SOUL TO THE DEVIL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon