Episode 51

723 35 8
                                    

Lumipas ang oras at ito na! Ito na nga ang oras para umuwi na ako.

"Sa wakas!" nakangiti kong sambit habang nag aayos ng gamit ko.

Habang nag aayos ako ng gamit ko ay biglang dumating si Celine.

"Wala na yung hinahanap mo tsaka Ma'am ayan gumalang pa ako sayo pwede bang tigilan mo na si Lucio? May asawa na yung tao bakit lumalandi ka pa?" tanong ko sa kanya habang nakataray.

"None of your business! Secretary ka lang kaya wala kang pakealam sa amin ni Lucio," tugon niya sa akin.

"Ilang taon bang single si Lucio? Ilang taon ka ba niya sinuyo para bumalik ka sa kanya? Baka hindi mo naaalala ikaw ang dahilan kung bakit kayo nag hiwalay na dalawa! Malandi ka kasi pati yung kambal nilalandi mo,"

"Wala kang pake sa buhay naming tatlo!" sambit ni Celine habang papalayo sa akin.

"Wag ka ng babalik dito para lumandi hindi ka din naman mamakapunta dito!" habang itinataas ang kamao ko sa kanya.

Nakakainis kang malandi ka! Pati yung Baby Love ko nilandi mo! Dadating din ang panahon na babaliktad ang kapalaran mo. Unti-unting mawawala ang meron sayo.

Tumayo na ako sa upuan ko at padabog akong umalis dito.

Nag madali akong pumasok sa elevator baka kasi makasabay ko pa ulit si bruha.

Ngunit bago pa man ako makapasok ay may narinig akong isang boses galing mula sa comfort room namin.

"Si Celine ba yun?"

Nag dahan-dahan akong naglakad papunta doon at nakinig sa mga sinasabi niya.

"Stupid! Ayusin mo ang trabaho mo kung ayaw mong ako ang mag palayas sayo diyan! Baka naman nakikipag kaibigan kana sa babaeng yun? Galingan mo ang trabaho mo at bigyan mo ako ng update!" inis niyang sambit sa kausap niya.

"Sino yung kausap ni Bruha? Bakit kailangan niyang galingan sa trabaho niya?" sambit ko habang naglalakad papalayo sa CR.

Pumasok na ako sa loob ng elevator at bumaba na ako sa lobby para mag out.
Ngunit habang

"Nakakasira talaga ng araw 'tong bruha na to!"

Nagmadali akong lumabas ng building at sumakay ng taxi na nakaparada sa harap ng bldg.

Lumipas ang ilang minuto ay nakarating na ako sa tunay na impyerno! Ang tahanan ko.

Tara! Pasok kayo sa tahanan namin.

Pagpasok ko palang sa gate ay rinig na rinig ko na agad ang dahing ng lasingera kong Inay.

"Rufino! Bakit mo ako iniwan! Bakit sumama ka sa iba!" atungal ng ina ko.

Pumasok na ako sa pintuan namin at nakita kong nakaupo si mama sa kusina habang hawak ang bote ng alak sa kama at sigarilyo sa kaliwa.

"Lasing ka na naman diyan Ma," sambit ko habang nililinis ang mga nakakalat na bote sa lapag.

"Pabayaan mo ako nga ako Emily. Broken hearted ako,"

"Kailan ka ba hindi naging broken hearted? Sino na naman ba yung iniiyakan mong Rufino?"

"Yung gwapong basketbolista sa kabilang baranggay. Sabi niya hindi niya ako iiwan pero kanina nakita ko siya na may kasamang ibang babae,"

"Ilang taon na ba yun? Wag mong sabihin na mas matanda pa ako diyan?" taong ko sa kanya.

"Hindi na mahalaga kung mas matanda ka sa kanya ang mahalaga mahal ko siya,"

"Ma naman eeh! Parang anak mo na yun! Tigilan mo na ang kahibangan mo sa ibang lalaki. Mag focus ka sa sarili mo!" sambit ko sa kanya pagkatapos ay umalis na ako.

Probinsyana Series: Book 1- I SOLD MY SOUL TO THE DEVIL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon