Episode 4

1.4K 31 0
                                    

Pagkatapos namin kumain ng hapunan ay sinimulan na namin ang party!

"CHEERS!" sigaw ko sa kanila sabay taas ng baso ko.

Sumabay naman sila sa akin at itinaas din ang kanila mga baso.

"KANPAI!" sigaw ni Angelo.

"KANPAI!" sigaw naming lahat.

Sinimulan sa paisa-isang shot hanggang sa inilabas na yung order naming pang malakasan.

(TEQUILA WITH LEMON AND SALT) paboritong alak ni Lucifer.

"Boring!" sigaw ni Lucifer habang kumakanta yung entertainer namin.

"Umayos ka nga Luci," galit kong sambit sa kanya.

"Sorry Ms. Kulang lang sa alak tong kasama namin. Ok lang ba na umorder kami ulit ng isa pang tequila?" singit ni Angelo.

Agad na lumabas yung entertainer para kumuha ng alak.

"Napaka kupal mo talaga Lucio," galit na sambit ko sa kanya.

"Totoo naman boring! Wala pa sa tono kung kumanta," sambit niya.

"So? Akala mo magaling kang kumanta? Napaka epal mo talaga eeh noh!"

Tumayo si Lucio sa kinauupuan niya at kinuha yung wallet niya sabay hagis sa akin ng credit card niya.

"Ooh! Hawakan mong mabuti yan. Aalis na ako!" sambit niya sabay alis.

"Hoy!" sigaw ko sa kanya.

Tatayo na sana ako para pigilan siyang umalis pero hinawakan ako ni Angelo.

"Hayaan mo na yun masyado na talagang matigas ang mukha niyang kupal na yan" sambit ni Angelo sa akin.

Itinuon ko nalang yung atensyon ko sa videoke at kumanta nalang ako.

"PARTY! PARTY!" sigaw ko habang sumasayaw.

*Author's Narration

(First Meeting of Gianna and Lucio)

Masarap ang tulog ni Gianna ng dumaong na ang bus na sinasakyan niya malapit sa terminal ng bus.

Trapik na sa kahabaan ng edsa ng mga oras na ito kaya ang mga sasakyan dito ay bumper to bumper na.

Nakatigil ang bus na sinasakyan ni Gianna ng saktong tumigil din sa kabilang lane ang kotseng sinasakyan ni Lucio.

Lumingat-lingat si Lucio sa daan at natunton niya ang direksyon kung nasaan si Gianna.

Masarap ang tulog ng dalaga sa mga oras na ito ng bigla itong tinapik ng konduktor ng bus.

Iminulat ni Gianna ang mga mata niya at tumingin kung saan naroon si Lucio. Napansin ni Gianna na nakatitig sa kanya si Lucio kaya agad siyang umusog sa kabilang upuan.

Lumipas ang ilang minuto ay unti-unti ng umandar ang mga sasakyan.

(SWITCHING SCENES)

Gianna's POV

Ilang oras na akong nasa biyahe piling ko malapit ng umapoy ang tumbong ko dahil sa tagal ng biyahe.

Tulog - Tingin sa daan - Kain lang ang ginawa ko sa biyahe.

Natulog muli ako sa daan sapagkat wala naman akong ibang gagawin kung hindi ang matulog lang talaga.

Habang nasa kalagitnaan na ako ng panaginip ko ay bigla akong tinapik ng konduktor ng bus.

"Ms. Ayusin mo na ang mga gamit mo at malapit na tayo sa terminal ng bus," sambit sa akin.

Nakapikit pa ang mga mata ko noong kinakausap ako nung konduktor pero gising na ang diwa ko noon. Iminulat ko yung mata ko sabay tingin sa kabilang linya ng daan at nakita ko ang isang lalaki na nakasakay sa isang magandang kotse na nakatitig sa akin.

Probinsyana Series: Book 1- I SOLD MY SOUL TO THE DEVIL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon