Episode 3

1.5K 35 0
                                    

Pasikat na ang araw ng nagising ako. Sa kusina nakita kong nagluluto ng agahan si Inay.

"Nay, Tulungan na po kita," nakangiting sambit ko sa kanya.

"Anong oras ang alis mo?" tanong sa akin ni Inay.

"Ang sabi ni Mang Toto sunduin niya daw ako dito ng mag tatanghali,"

"Aba! teka at tapusin ko na itong niluluto ko sunduin mo na nga ang Itay mo sa bukid ng makaligo na," sambit ni Inay sa akin.

"Opo Inay."

Agad akong umalis sa aming bahay upang tumungo sa bukid para sunduin si Itay. Hingal akong nakarating sa bukid sapagkat tinakbo ko muli bahay hanggang kay Itay.

"Itay! Uwi na raw sabi ni Itay at dadating na si Mang Toto!" sigaw ko.

Tumayo na si Itay sa pagtatanim at lumapit na sa akin.

Mabilis kaming lumakad pauwi. Pagdating na pagdating namin ay agad akong pumasok sa banyo upang maligo.

Ilang oras nalang ang nalalabi at dadating na si Mang Toto. Nakaligo na din ang Inay at Itay ng mga oras na ito.

Nakaupo ako sa kubo at nag hihintay nalang ng pagdating ni Mang Toto ng lumapit si Inay sa akin.

"Para sayo," habang may abot-abot na purselas.

"Napaka ganda naman nito Inay!" masayang sambit ko sa kanya.

"Para sa maganda kong anak yan, Ingatan mo yan anak aah yan lang ang pamamana ko sayo," nakangiting sambit niya sa akin.

"Opo." sambit ko sa kanya habang nakayakap.

Mabilis na lumipas ang oras at dumating na nga si Mang Toto ang kaibigang ni Itay. Dala-dala nito ang pamasada niyang tricycle. Sumakay ako dito dala ang mga bagahe ko at mga pasalubong para kila Tiya Marites ang nakababatang kapatid ni Itay.

"Inay! Itay! Mag iingat po kayo dito sa aah. Wag nyo po akong kakalimutan ipagdasal. Pag balik ko po dito pangako sa inyo hindi na kayo mag uulam pa ng asin." Masayang sambit ko sa kanila.

Sumakay na ako sa tricycle. Nakatingin lang ako kila Inay at Itay na lumuluha habang tinitingnan akong papalayo sa kanila. Hindi ko din maiwasan ang sarili ko kaya pinahinto ko muna si Mang Toto sa pagmamaneho at bumababa ako sa kanyang tricycle. Patakbo akong lumapit kila Inay at Itay at niyakap ko sila ng sobrang higpit.

"Paalam na po Inay! Itay." sambit ko sa kanila sabay takbo pabalik sa tricycle.

"Ok ka na ba Gia?" tanong ni Mang Toto sa akin.

"Ok na po ako."

Binuhay na niya ang makina at umalis na kami ng tuluyan sa aming baryo.

Baon-baon ko ang pangarap ko na maging Nurse at yakap-yakap ko ang pangakong maitatawid ko sa kahirapan ang pamilya ko.

Isang oras at kalahati din ang inilaan namin ni Mang Toto sa daan papunta sa terminal ng Bus.

Pagdating namin sa terminal ay sumakay na ako sa loob. Pag kaupo ko sa upuan ng bus ay agad kong chineck ang pitaka na binigay sa akin ni Inay. May kapirasong papel din siyang ibinigay sa akin kung saan nakasulat ang address ni Tiya Marites.

Masaya na malungkot ang pakiramdam ko ngayon. Habang nag aantay pa ng pasahero ay umidlip na muna ako. Mag gagabi na din at wala naman akong magawa kaya natulog nalang ako.

(SWITCHING SCENES)

Emily's POV

"Papasukin nyo ang mga aplikante para sa secretarial position." sambit ko kay Manong Guard.

Probinsyana Series: Book 1- I SOLD MY SOUL TO THE DEVIL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon