Episode 60

2.5K 79 159
                                    

Nagising ako sa isang lugar na hindi pamilyar sa akin. Lugar kung saan ay masikip, madumi at mabaho.

Nakagapos ang isa kong kamay at ang isa naman ay hindi.

Pinipilit kong tanggalin ang kamay ko sa pagkakagapos ay hindi ko magawa hanggang sa may boses ng lalaki sa labas ng pinto kausap ang isang babae.

Pamilyar ngunit hindi ko mabosesan dahil sa medyo hilo ako.

Bumukas ang pinto at nag panggap akong tulog muli.

"Tulog pa rin siya. Gawin mo na ang inuutos sayo," sambit ng babae.

Idinilat ko ng bahagya ang mga mata ko upang masilayan ko sila ng bigla akong nagulat sa nakita ko.

Nakatingin sa akin si Dimple habang may hawak-hawak na camera sa kamay niya. Nasa harapan ko si Angelo na nakaalis ang kanyang pang itaas.

Walang pag aalinlangan na hinalikan ako sa labi ni Angelo. Gustohin ko mang pumalag sa kanya ngunit hindi ko magawa. Nakatikom lang ang bibig ko habang hinahalikan ako ni Angelo.

Mas inilapit ni Angelo ang mukha niya sa akin dahil ramdam na ramdam ko ang pag hinga niya. Hinalikan niya ako sa leeg ko at bigla siyang bumulong sa akin.

"Alam kong gising kana. Ipikit mo lang ang mga mata mo at ako na ang bahala sayo."

Nangilabot ako sa sinabi ni Angelo sa akin. This is rape! Pinagtulungan nila akong lahat. Hindi ko mapigilan na umiyak habang patuloy akong hinahalikan ni Angelo sa iba't ibang parte ng katawan ko.

"Ok na 'to! Ikaw ng bahala diyan. Gawin mo kung anong gusto mong gawin wala na akong pake." sambit ni Dimple kay Angelo.

Ipinikit ko lang ang mga mata ko hanggang sa makalabas ng kwarto si Dimple.

Pagbukas at sara ng pinto ay hinawakan na ako ni Angelo sa kamay ko para gumising.

Pag mulat ng mata ko ay buong lakas kong sinampal si Angelo sa mukha niya.

"Angelo! Bakit? Bakit mo ginawa ito sa akin!" Galit kong sambit sa kanya habang hawak-hawak ang dibdib ko.

"Wala akong choice! Hawak ako sa leeg ni Celine!" sambit niya habang hipo-hipo ang ulo niya. , "Tutulungan kitang makatakas dito dahil may balak si Celine na patayin ka," nag aalalang sambit niya.

"Angelo, Buntis ako tinago ko 'to sa inyo dahil alam kong nasa panganib ang anak ko dito,"

"Alam ko kaya kailangan umalis kana dito! Wag mo ng alalahanin si Lucio ako ng bahala sa kanya ang isipin mo ngayon ay ang anak mo at ikaw."

Kinalag ni Angelo ang pagkakatali sa akin at maingat na itinakas ako.

Akala ko nasa malayong lugar kami dahil sa ibang atmosphere sa kwartong ito ngunit pagkalabas ko ng kwarto ay nasa resort pa pala kami.

Idinaan ako ni Angelo sa likod ng resort para walang makakita sa amin.

Patuloy ang pag agos ng luha sa mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit sobrang pait ng kapalaran ko. Nawalan ako ng matalik na kaibigan.

Marahil ay nasilaw ng kayamanan si Dimple kaya trinaydor niya ako.

Akala ko simula noong umalis ako sa puder ni Tiya Marites ay magiging maganda na ang takbo ng buhay ko. Yun pala mas malala pa ito.

Lumabas akong mag isa sa resort at pinadaan ako ni Angelo sa masukal at madilim na daan kung saan ay walang makakakita sa akin.

Takbo ako ng takbo hanggang sa makalayo na ako sa resort.

Sobrang tagaktak ang pawis ko kasabay ng pag agos ng luha ko.

Hindi ko alam kung saan ako tutungo ngayon. Hindi ko alam kung paano ako makakauwi sa bahay o kung makakauwi pa ba ako sa bahay?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 04, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Probinsyana Series: Book 1- I SOLD MY SOUL TO THE DEVIL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon