Episode 49

765 34 7
                                    

Pagkatapos naming kumain ay pumunta na agad kami sa supermarket para mag grocery.

Kinuha agad ni Lucio ang isang malaking cart at nag simula na kaming mag grocery.

Pumunta muna kami sa canned goods.

Kumuha ako ng tig 10 na canned goods at iba't ibang variety.

Kumuha ako ng mga set ng kape at  gatas.

"Love, Ok lang ba gawin na nating pang sari-sari store?"

"Ikaw bahala nasa sayo naman yan,"

"Ok!"

Kumuha pa ako ng iba pang pwedeng ibenta. Like halos lahat ng makikita mong binebenta sa sari-sari store.

Kumuha din ako ng mga bigas na pwedeng ibenta at iba pang frozen foods.

Naka ilang cart ba kami? Limang malaking cart!

"Siguro naman mabubuhay na silang dalawa dito ano?" tanong ko kay Lucio.

"Siguro?"

"Tapos bigyan na rin natin ng boutique nila?"

"Sige. Pwede din para hindi na sila umaasa sa magulang mo,"

"Paano mo nalaman yun?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Sinabi ko na sayo na alam ko na buong pagkatao mo simula palang nung una," nakangiting sambit niya sa akin.

"Stoker!"

Dating gawi! Nakaupo lang ako sa upuan habang hinihintay na matapos ang pagbabayad ni Lucio ng mga groceries namin.

Hindi kasya sa kotse ang mga pinamili namin kaya pinadeliver nalang namin ito sa kanila.

"Love, Wait lang aah. May bibilhin lang ako sa ice cream store,"

"Ano yun?"

"May pag bibigyan kasi ako na isang tao. Dahil sa kanya kaya nakalaya ako kila Tiya Marites."

Pumunta kami ni Lucio sa ice cream store at bumili doon ng cake. Ginawa kong dalawang order ng cake para kila Tiya Marites ang isa.

Pagkatapos naming bumili ay tumungo na kami sa parking lot para pumunta na sa bahay nila Tiya Marites. Naka covoy sa amin ang delivery truck ng supermarket.

Kinakabahan ako na natutuwa sa ginawa ko. Siguro panahon na para mag patawaran kaming pamilya. Oo naging masalimuot ang buhay ko sa kamay ng pamilya na yan pero kahit pa ganoon ay magkamag anak pa rin kami at magkadugo.

"Alam ko kinakabahan ka ngayon hayaan mo na nandito lang ako sa tabi siguradong walang masamang mangyayari," nakangiting sambit ni Lucio sa akin.

"Sana nga Love."

Itinuon ko na sa paligid ang tingin ko habang gumagawa ako ng mga posibleng mangyari sa paghaharap namin nila Tiya Marites at Ella sa bahay nila.

Lumipas ang ilang minuto ay natahak na rin namin ang kanilang bahay.

Pagkababa na pagkababa ko palang ng kotse ni Lucio ay biglang nag damihan na ang mga tao sa labas.

"Huy! Si Gianna ba yun?" sambit ng isang babae sa kalsada.

"Oo nga si Gianna nga! Grabe iba na ang buhay niya ngayon. Sikat na siya!" sambit naman ng isa.

Ngumiti ako sa kanila at dahan-dahan kong binuksan ang gate nila Tiya Marites.

Pagbukas palang namin ng pinto ay bumungad na agad sa amin ni Lucio ang mabaho at maduming bakuran nila Tiya Marites. Hindi na ito nalilinisan at nawala na rin ang mga alaga nilang manok.

Probinsyana Series: Book 1- I SOLD MY SOUL TO THE DEVIL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon