Episode 47

785 32 8
                                    

Mabilis din akong nakatulog dahil sa pinainom ako ng gatas ni Lucio at minasahe niya ng bahagya ang katawan ko para maayos ang tulog ko.

Lumipas ang oras na nasa kasarapan ako ng tulog ng bigla nalang kumalam ang tiyan ko. Iminulat ko agad ang mata ko at nakita kong masarap ang tulog ni Lucio kaya hindi ko na siya ginising pa.

Bumangon ako sa kinahihigaan ko at bumaba ako papunta sa kusina para maghanap ng makakain.

Alas dos na ng madaling araw at may naririnig pa rin akong bumubulong-bulong sa kusina.

Pumasok ako sa loob at nakita ko si Alma na gulat na gulat na nakatingin sa akin.

"Ooh?" habang nakatingin sa orasan. , "Hindi ka ba natutulog?"

"Patulog na din po ako." sambit niya habang nagmamadaling umalis sa kusina.

Napapakunot na talaga ang noo ko kay Alma.

"Mahuli lang kita kung anong pinaplano mo Alma mayayare ka talaga sa akin." inis kong sambit.

Binuksan ko ang ref at bumungad agad sa akin ang mga prutas na pinamili namin ni Lucio sa grocery.

"Ang dami naman pala ng prutas na binili namin dito pero ayoko na itong kainin."

Kinalkal ko ang laman ng ref hanggang sa bumagsak din ako sa cup noodles.  

"Ano ba namang mga pagkain to! Mga hindi masasarap tapos ang tataba pa!" inis kong sambit.

Binuksan ko agad yung cup noodles na kinuha ko at nilagyan ng mainit na tubig. Ilang minuto ang aantayin ko para maluto ang noodles kaya pumunta muna ako sa kwarto nila Manang Pasing at Alma.

Dahan-dahan akong naglakad papunta doon sa kwarto nila nagbabakasakali na may makuha akong tip kay Alma sa pang eespiya niya sa amin ni Lucio ngunit pagdating ko doon ay tulog na ito ng mahimbing.

Nakabusangot akong bumalik sa kusina para kainin ang noodles ko at pagkatapos ay kumain muli ako ng tinapay at uminom ng gatas.

Busog na busog ako sa kinain ko. Umakyat ako ng kwarto ng hipo-hipo ang tiyan ko.

"Grabe! Sobrang nabusog ako!" nakangiti kong sambit.

Humiga ako sa tabi ni Lucio at niyakap ito para kunin ang tulog ko ngunit hindi ako dinadapuan ng antok kaya ang ginawa ko ay kinuha ko ang laptop na binigay ni Lucio sa akin at nanuod nalang ako ng paborito kong kdrama.

Natapos ko ang ilang episodes ng palabas at hindi na napansin ang oras na mag uumaga na pala. Nag sisimula ng sumikat ang araw ngunit dilat na dilat pa rin ang mga mata ko.

"Isa pang episode pls! Wag ka muna gigising Lucifer." sambit ko habang tutok na tutok sa laptop ko.

Iba talaga ang pakiramdam kapag nanunuod ka ng kdrama ano? Parang kahit na antok ka na gustong-gusto mo pa rin panuorin yung palabas.

Nakailang beses ng tumilaok ang manok ng kapitbahay ngunit heto ako dilat pa rin. Nakatitig ako kay Lucio kung gagalaw siya ngunit masarap pa din ang tulog niya kaya umisa pa ako ng nuod ng palabas.

"Wooh! Hinalikan na niya! Nakakakilig!" sambit ko habang kinikilig sa pinapanuod ko.

Sobrang gulo ko na pala sa pwesto ko kaya nadadaganan ko na si Lucio. Mabilis na nagmulat ng mata si Lucio at tumingin sa akin.

Bigla kong pinatay yung laptop ko at nag tulog-tulugan ako.

Bumangon na si Lucio at tiningnan ako ng malapitan yung tipong yung hininga niya ramdam na ramdam ko na.

"Blaire! Anong oras kana matutulog? Nakita na nga kitang gising tapos mag tutulog-tulugan ka pa ngayon?" inis niyang sambit sa akin.

Iminulat ko ang mata ko at tumingin kay Lucio.

Probinsyana Series: Book 1- I SOLD MY SOUL TO THE DEVIL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon