Maliwanag pa ang kapaligiran ng dumating ako sa bahay.
Walang katao-tao ng mga oras na ito kaya dali-dali akong umakyat sa kwarto ko para mag pahinga.
Sobrang nanggagalaiti ako na parang nalulungkot na hindi ko maintindihan. Sobra akong nasasaktan sa bawat salita na binitawan ni Ella sa akin.
"Paano ako naging buhay prinsesa? Paano? Dahil ba kasal ako kay Lucio prinsesa na tawag dun? Wala naman akong nakukuha ni sinco kay Lucio paano ako naging mayaman dun? Aah gets ko na! Siguro dahil madami akong bagong gamit na binili sa akin ni Lucio at madami akong bagong damit na magaganda? Ganun na ba ang batayan ng pagiging prinsesa ngayon?" inis kong sambit.
Gusto kong maging prinsesa niya! Gustong-gusto ko! Gusto ko ako lang ang babaeng pinag papantasyahan niya pero hindi eeh! Hindi ako! Akala niyo ba masaya ako? Hindi ako masaya sa nangyayari sa buhay ko! Palabas lang to! Palabas lang!
Nanginig ang katawan ko sa galit habang unti-unting umiinit ang mata ko. Umagos ang napaka init na likido sa mata ko kasabay ng pag atungal ko.
Gusto ko lang naman mabuhay at mamuhay ng maayos bakit hindi nila ako pag bigyan?
Habang nag mumukmok ako sa kwarto ko ay naalala ko sila Inay at Itay.
"Malapit na muli tayong magsama Inay at Itay! Uuwi ako ngayong pasko at ihahanda natin ang mga ibat ibang masasarap na putahe ngayon!" sambit ko nalang.
Bumibigat na ang mata ko sa kakaiyak kaya hindi ko na napigilan pa at nakatulog na ako ng mahimbing sa kama.
Lumipas ang ilang oras ay nagising nalang ako sa isang napakalakas na katok mula sa pintuan ko.
Napabalikwas ako sa kama ko at agad kong binuksan ang pintuan.
Pagbukas ko ng pinto ay bigla akong sinunggaban ng yakap ni Lucio.
"Akala ko iniwan mo na ako," sambit niya sa akin sabay yakap ng mahigpit.
"Bakit mo naman nasabi yan?" tanong ko sa kanya.
"Hindi mo kasi sinasagot mga tawag ko,"
"Nakatulog ako kaya hindi ko napansin mga tawag mo. Bakit ano bang meron at tawag ka ng tawag?"
"Aah-Eeeh wala naman. Ito ooh!" sabay abot ng isang bag sa akin na itim.
"Ano to?"
"Tingnan mo para malaman mo."
Binuksan ko agad ang bag na inabot niya at nakita ko ang isang laptop.
"Laptop? Ang mahal-mahal nito bakit binibigyan mo ako nito?" tanong ko sa kanya.
"Ayoko kasing nahihirapan ang prinsesa ko kaya binilhan kita ng laptop para sa pag aaral mo. Mag aral ka ng mabuti aah," habang hinihimas ang buhok ko.
"Sige. Thank you so much Love!"
"You deserve it! I will do everything just for you Love."
Kanina lang sobrang exhausted ako at stress pero ngayon parang na recharge na naman ako dahil sa mokong na to! Sobrang sweet niya na tao pero bakit siya iniwan ni Celine?
"Dumating na pala yung kasambahay natin kaya wag ka ng gagawa sa loob ng bahay huh. Gusto ko mag focus ka sa pag aaral mo para ma fulfill mo yang dreams mo."
Tumango-tango lang ako sa kanya habang sumusunod sa kanya pababa sa sala.
Sa sala
May isang babaeng nakaupo mahaba ang buhok nito, balinkinitan at morena.
Lumapit ako sa kanya at iniabot ang kamay ko.
"Hello," bati ko sa kanya sabay ngiti.
"Hello po! Ang ganda niyo pala sa personal," sambit niya habang nakangiti.
BINABASA MO ANG
Probinsyana Series: Book 1- I SOLD MY SOUL TO THE DEVIL (COMPLETED)
RomanceBlurb: Iniwan ko ang payak na pamumuhay sa aming munting baryo upang makapag aral sa isang nursing school sa maynila. Hindi naging madali ang pamumuhay ko dito sapagkat hindi ako sanay sa maingay at magulong mundo ng maynila. Hindi ko lubos maisi...