Kung ano-ano na namang pumapasok sa utak ko habang nasa biyahe ako pauwi.
"Ano kayang ginagawa ni Lucio ngayon? Hindi kaya nambabae na siya?" inis kong sambit sa sarili ko.
Habang nasa kalagitnaan ako ng pag didaydream ko ay bigla akong kinausap ni Mang Robert.
"Ma'am, Nandito na po tayo sa bahay," sambit ni Mang Robert sa akin.
Lumingon-lingon ako sa paligid at nakita ko ang naglalakihang bahay sa harapan ko.
"Nandito na nga talaga ako sa bahay,"
Malungkot akong bumaba ng kotse at pumasok ng bahay.
Pagpasok ko ng bahay ay agad akong sinalubong ni Manang Pasing at ni Alma.
Nakangiting sumalubong si Manang sa akin.
"Kamusta ang party?" nakangiting tanong niya sa akin.
"Ok naman po Manang. Bakit hindi po kayo sumama sa party?" tanong ko sa kanya.
"Ano kaba! Sanay naman na akong hindi sumasama sa mga ganung gatherings. Meron ba tayong ipapasok sa loob?"
"Meron po Manang kaso hayaan niyo na po si Alma at si Mang Robert ang mag pasok ng mga ito,"
Malungkot akong umakyat sa taas at alam kong napansin ito ni Manang.
Ni-lock ko agad yung pinto at humiga ako sa kama ko.
Pinilit kong pinipikit ang mga mata ko para makatulog ako ngunit si Lucio pa rin ang laman ng utak ko.
"Punyeta ka talagang demonyo ka! Ikaw na may mali ako pa rin ang nag dudusa ngayon! Bwisit!" sigaw ko sabay bato ng nahawakan kong bagay.
Hindi ako magkanda ugaga sa kama kaya kinuha ko ang cellphone ko at sinubukan kong tawagan si Lucio.
Pag dial ko ng numero ni Lucio ay tumunog ito agad at sinagot.
"Hello?"
"Hello?"
Hindi ako nagsalita dahil ang boses sa likod ng cellphone ng asawa ko ay boses ni Celine.
Mas lalong nag init ang ulo ko ng narinig ko ang boses ng impaktang iyan!
"Hello? Sino ba to?" galit na sambit niya sa akin.
"Aheemm! Ako lang naman ang asawa ng may ari ng cellphone na hawak-hawak mo,"
"Aahh.. The rebound girl?" pang aasar niya sa akin.
"Aah? Sigurado ka ba? Kung rebound ako sana hindi na niya ako uuwian at ipapakilala sa mga kamag anak niya at mga kasosyo sa trabaho," galit kong sambit sa kanya.
"Walang kayo Gianna. Nakikisawsaw ka lang sa aming dalawa ni Lucio!"
"Tigilan mo na yan Celine!" sigaw ng isang lalaki.
Pinatay ko na ang tawag ko sa cellphone ni Lucio.
Dahan-dahang tumulo ang luha sa aking mga mata.
Wala akong kalaban-laban sa first love pero may magagawa ako.
Pinunasan ko ang luha sa aking mga mata at binuksan ko ang cabinet ko na puno ng madaming nag gagandahang damit.
"Akala mo hindi ako lalaban sayo bruha ka? First love ka lang pero hindi ikaw ang pinakasalan!"
Nagbihis na ako at bumaba ako sa sala.
Pagkababa ko sa sala ay may nakita akong nakaupo sa dilim.
Hindi ko man masyadong maaninag ngunit nararamdaman kong si Lucio ito. Nakaupo siya sa stool at may hawak-hawak na alak sa kanang kamay.
Agad akong lumapit sa kanya para kumpirmahin kung tama ang kutob ko at hindi nga ako binigo ng sarili ko.
BINABASA MO ANG
Probinsyana Series: Book 1- I SOLD MY SOUL TO THE DEVIL (COMPLETED)
Roman d'amourBlurb: Iniwan ko ang payak na pamumuhay sa aming munting baryo upang makapag aral sa isang nursing school sa maynila. Hindi naging madali ang pamumuhay ko dito sapagkat hindi ako sanay sa maingay at magulong mundo ng maynila. Hindi ko lubos maisi...