Episode 53

707 32 8
                                    

Umaga pala gumising na ako para maligo.

Ito kasi ang bagong check up namin ni Lucio kay Doc Luis.

Hindi ko na ginising si Lucio sa kabilang kwarto kasi hindi naman kami nag tabi ngayon sa kama. Ok lang din naman sa kanya na dito ako natulog sa kwarto ko kasi hindi kung gusto niya ako katabi matulog dapat pinuntahan na niya ako dito sa kwarto ko pero hindi man lang niya ginawa.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay lumabas na ako sa kusina para kumain ng almusal.

Matamlay at malungkot ako sa mga oras na ito dahil sa masakit na balitang narinig ko kagabi. Hindi na ako aasa pa na may bata dito dahil sinabi naman na nila kagabi at iko-confirm nalang nila mamaya sa pangalawang tvs.

"Kamusta ang tulog mo anak?" malungkot na sambit ni Manang sa akin.

"Ok naman po ako Manang. Medyo masakit lang po ang ulo ko at nahihilo ngayon,"

"Itanong niyo kung bakit naging ganun ang result anak huh. Bakit nag kakaganyan ka,"

"Opo Manang. Itatanong ko po kay Doc kung bakit naging ganto,"

"Sige na. Kumain kana diyan,"

"Salamat po."

Wala akong ganang kumain kaya kapirangot lang ng tinapay ang nilantakan ko.

Masama pa rin ang loob ko at masama pa rin talaga ang pakiramdam ko dahil sa pagkahulog ko sa hagdan kagabi.

"Manang, Check mo nga po kung may pasa ako sa likod? Kasi ang sakit pa rin ng balakang ko hanggang ngayon pero hindi naman kasing sakit katulad kagabi."

Itinaas ko ang damit ko at sinilip ni Manang ang likod ko.

"May pasa ka sa likod Nak. Gusto mo ba mag prepare ako ng cold compress para sayo?" tanong niya sa akin.

"Pag uwi ko nalang po Manang para po maipahinga ko po,"

"Sige mamaya nalang."

Habang kumakain ako ay dumating si Lucio. Ang dating sweet at masayahing si Lucio ay biglang naging cold sa akin.

"Anong pagkain Manang?" tanong niya.

"Nagluto lang ako ng itlog at hotdog tsaka sinangag,"

"Lutuan mo ako sabaw Manang. Medyo naparami ata ang inom ko kagabi,"

"Aah ok sige."

Umupo sa harap ko si Lucio pero hindi kami nag papansinan na dalawa para lang akong hangin sa kanya ngayon na sobrang nakakadurog ng puso ko. Sa isang iglap naging ganito ang set up namin.

"Samahan kita sa check up mo mamaya," biglang sambit ni Lucio sa akin.

"Kahit wag na. Ako nalang," seryoso kong sambit.

"Ok."

Walang pasubali ay sumang ayon siya sa sinabi ko. Parang wala na ako sa kanya ang bilis ng pangyayari parang kagabi lang bago ako madulas sa hagdan ay malambing pa siya sa akin pero pagkatapos ng tawag ni Luis ay naging ganyan na siya.

Hindi ko na tinapos ang pagkain ko at umakyat na ako sa taas para kunin ang bag ko at gamit ko.

Pagkatapos ay lumabas na ako ng bahay at naglakad papunta sa sakayan ng taxi.
Habang nag lalakad ako ay hindi ko maiwasang maluha para kasing napaka bigat ng nangyari sa akin. Kung hindi ako buntis bakit kailangang magbago ang trato sa akin? Pwede naman sigurong mag try nalang ulit kami diba? Tutal diba may ganun namang pangyayari sa mag asawa? Hindi agad nabibigyan ng anak o umaabot pa nga ng ilang buwan bago mabuntis?

Probinsyana Series: Book 1- I SOLD MY SOUL TO THE DEVIL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon