Maaga ako muling nagising ngayong araw na ito. Masakit ang likod ko ng umupo ako sa kama.
Tumayo ako hipo-hipo ang likod at balakang ko.
"Napadami ata ang trabaho ko kahapon." sambit ko.
Bumaba na ako sa kusina para mag luto ng agahan. Pagkababa na pagkababa ko ay tanay ko na agad ang tambak na hugasan sa lababo.
"Naghugas na ako kagabi aah? Bakit ang dami na namang hugasin dito sa lababo?" sambit ko nalang.
Katulad ng dati hinugasan ko ang kaldero para magsaing at kinuha ang kawale para magprito ng ulam.
Medyo nakakaboring din pala sa maynila kapag wala kang ginagawa. Pagkatapos kong maglinis ng bahay ay binuksan ko ang telebisyon para manuod ng palabas. Maganda na ang pag upo ko sa harap ng telebisyon, tumatawa-tawa na rin ako dahil sa pinapanuod ko ng biglang bumaba si Tiya Marites sa hagdan. Hindi ko napansin ang pagbaba niya kaya nakita niya akong nanunuod ng telebisyon.
"Gianna!" galit na sigaw nito sa akin.
Agad kong pinatay ang telebisyon at tumayo sa kinauupuan ko.
"Pasensya na po Tiya Marites. Hindi na po ako uulit na manunuod ng telebisyon niyo," nahihiyang sambit ko.
"Mabuti kung ganon! Hindi kita pinatira dito para magpakasasa sa mga gamit namin!" galit na sambit nito sa akin.
"Nagluto na po ako ng agahan Tiya maaari na po tayong mag almusal," sambit ko sa kanya.
"Tawagin mo na si Ella! Tapos kana palang magluto hindi ka pa nagtawag? Anong gusto mong gawin ko? Ako pa tatawag sa inyo para kumain?" galit na sambit nito.
"Hindi naman po Tiya. Masyado pa po kasing maaga kaya hindi ko na po kayo ginambala sa pagtulog niyo."
Agad akong umakyat sa kwarto ni Ella para tawagin itong kumain sa baba.
"Ella," tawag ko sa kanya habang ginigising siya. , "Kain na Ella," sambit ko muli.
Hindi agad nag response si Ella sa tawag at yugyog ko sa kanya kaya binuksan ko ang bintana at inilihis ang kurtina para maaninagan siya ng araw.
"Punyeta naman!" sigaw ni Ella sa akin sabay sampal sa akin.
Napaupo ako sa sahig sa lakas ng sampal niya akin. Hipo-hipo ko ang namumulang pisnge ko ng dumating si Tiya Marites.
"Anong nangyari dito!" galit na sigaw niya.
Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at pinunasan ang mga luhang lumabas sa mga mata ko.
"Anong nangyari dito!" sigaw niya muli sa aming dalawa.
"Yan kasing si Gianna binuksan na naman yung bintana! Natamaan ng sinag ng araw yung mga mata ko!" galit na sambit ni Ella.
"Nako Gia! Puro palpak nalang ang ginagawa mo!" galit na sambit ni Tiya sa akin.
"Sabi nyo po kasi gisingin ko si Ella para po mag almusal. Kanina ko pa po siya ginigising pero hindi po siya bumabangon kaya po binuksan ko ang bintana para magkaroon ng liwanag sa loob ng kwarto," paliwanag ko.
"Aba Gianna! Parang kasalanan pa ng anak ko na hindi siya agad nagising huh! Sige maiwan ka dito sa taas! Kapag kakain kami wag kang makikisabay! Maliwanag ba yun!" galit na sambit niya.
"Opo tiya."
Umalis na silang dalawa at bumaba na sa kusina para kumain ng niluto kong agahan. Mas naging mahirap ang buhay ko dito sa maynila dahil sa nakikisama ako sa ibang pamilya. Kamag-anak nila ako pero ang turing nila sa akin ay parang katulong nila.
BINABASA MO ANG
Probinsyana Series: Book 1- I SOLD MY SOUL TO THE DEVIL (COMPLETED)
RomanceBlurb: Iniwan ko ang payak na pamumuhay sa aming munting baryo upang makapag aral sa isang nursing school sa maynila. Hindi naging madali ang pamumuhay ko dito sapagkat hindi ako sanay sa maingay at magulong mundo ng maynila. Hindi ko lubos maisi...