Kinabukasan
Tinanghali na ako ng gising ako.
"Ang sakit ng ulo ko!" habang hipo-hipo ang ulo ko. , "Hayyst! Di pala ako nakapasok ng kwarto ko gaano ba kadami ang nainom ko?"
Tumayo na ako sa hinihigaan ko at lumabas na ako sa kubo na tinulugan ko.
Dumiretso na ako sa kusina pagkatapos kong humikab-hikab para kumain ng almusal ko.
"Ang bait talaga ng Inay hindi ako kinalimutang handaan ng almusal," nakangiti kong sambit habang binubuklat ang nakatakip na pagkain sa la mesa.
"Naghanda kaya si Inay ng tanghalian nila ni Itay?" tanong ko.
Kumuha na ako ng plato at kutsara para makakain na ako ng almusal-tanghalian ko. Pagkatapos na pagkatapos kong kumain ay nag impake na ako ng mga damit kong gagamitin sa maynila.
Habang nagaayos ako ay nakita ko ang isang napaka gandang dress na matagal ko ng iniingat-ingatan.
"Hala nandito ka pa pala! Kailan ba kita ginamit?" habang nag iisip. , "Tama! Noong Mutya ng Payapa 2017 pala. Naaalala ko pa noon kung paano ako nanalo. Haayyyy mamimiss ko itong lugar na 'to! sa susunod na pagbalik ko dito mayaman na dapat ako para hindi na kawawa sila Inay at Itay,"
Inilagay ko yung dress na nakita ko sa bag na dadalhin ko pa maynila. Mabilis lang akong nakapag impake ng gamit sapagkat kakaunti lang naman ang mga gamit ko. Pagkatapos kong mag impake ay agad akong tumungo sa bukid upang tumulong kila Inay at Itay sa pag aani ng palay.
Patakbo akong lumapit kila Inay.
"Inay! Itay!" masayang sigaw ko sa kanila.
"Ooh? Bakit pumunta ka pa dito Gia? Mag ayos ka nalang ng mga gamit mo papunta ng maynila," sambit ni Itay sa akin.
"Tapos na po ako mag ayos ng mga gamit ko Itay gusto ko po sana tumulong man lang sa inyo kahit hanggang ngayon lang. Aalis na po ako bukas ilang taon ko din kayo hindi makikita,"
"Ooh siya sige kunin mo si Ronald sa tabi ng puno ng mangga at idadala na natin kay Aling Rosya yan," sambit ni Itay sa akin.
"Kawawang Ronald! Di bale Itay kapag nakapag trabaho ako sa maynila ibibili kita ng bagong kalabaw. Mag asawa pa!" nakangisi kong sambit sa kanila.
"Nako ikaw Gia! Pag aaral ang pupuntahan mo doon hindi trabaho! mag aral ka ng mabuti para may maganda kang kinabukasan hindi katulad namin ng Inay mo elementarya lang ang tinapos kaya hanggang bukid lang ang kaya ng aming utak," panenermon ni Itay sa akin.
"Opo Itay! Mag aaral po ako ng mabuti at pag nakapag tapos na ako kukunin ko na kayo sa maynila para doon manirahan,"
"Aasahan namin yan anak. Ooh siya kunin mo na si Ronald at ibebenta na natin siya kay Aling Rosya."
Umalis ako kung saan naroroon sila Inay at Itay at tumungo ako sa puno ng mangga kung nasaan si Ronald ang alaga naming kalabaw.
"Ronald!" tawag ko sa alaga naming kalabaw.
"Pasensya na Ronald kailangang-kailangan ko lang talaga ng pera pang pamasahe ko sa maynila. Hayaan mo babalikan kita kay Aling Rosya pag yumaman na ako tapos bibigyan kita ng asawa mo! pero sa ngayon kay Aling Rosya ka muna huh?"
Tinanggal ko ang mahigpit na pagkakatali kay Ronald at hinila ko siya papalapit sa pinag aanihan nila Inay at Itay ng biglang dumating si Aeron.
"Gia," malumanay na tawag niya sa pangalan ko.
"Ooh? Bakit nandito ka na naman?" galit na tanong ko kay Aeron.
"Gia," habang hawak-hawak ang kamay ko. , "Papayagan na kitang umalis! Hindi ako galit. Basta wag mo lang ako iwan, Please!" pag mamakaawa niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Probinsyana Series: Book 1- I SOLD MY SOUL TO THE DEVIL (COMPLETED)
RomanceBlurb: Iniwan ko ang payak na pamumuhay sa aming munting baryo upang makapag aral sa isang nursing school sa maynila. Hindi naging madali ang pamumuhay ko dito sapagkat hindi ako sanay sa maingay at magulong mundo ng maynila. Hindi ko lubos maisi...