Chapter 24
Hawak ko ngayon ang feather duster. Nililinis ko ngayon ang cabinet at maingat na binuhat ang mamahaling antic na vase. Mahirap na baka malaglag. Siguro mas matanda pa ito kaysa sa akin. Maaga din kasi akong nagising kaya nalinis ko agad ang pool. Tamang kuha lang sa mga iilang dahon. Kaunti lang naman ang dahon na lumilitaw at hindi naman ito masyadong madumi kaya natapos agad ako sa paglinis ng pool area.
Sabi ni boss na baka mamayang lunch pa dadating ang kanyang mga bisita kaya habang wala pa sila ay magluluto muna si boss. Hindi ko alam na magaling palang magluto si boss. Habang inaayos ko ang mga libro na nasa cabinet ay naaamoy ko na ang niluluto niya. Sobrang bango na parang hinihila ako nito papuntang kusina.
Bumalik ako sa pool area para ligpitin ang aking mga nagamit sa paglilinis. Kailangan ko na ring magbihis para maging presentable sa harap sa mga bisita ni boss. Dahil baka mayamaya ay dadating na sila.
Pumasok na ako sa aking kwarto at nagbihis ng simpleng maong short at malaking T-shirt. I insert my T-shirt sa short ko. I tied up my hair para hindi sagabal sa mukha. Papalabas na ako ng aking kwarto ng marinig ko ang mga yapak na sa tingin ko ay nanggagaling ito sa front door ng bahay. Nanatili lang ako dito sa loob habang minamasdan ang mga taong pumasok.
Napansin ko na dumiretso sa kusina ang lalaking nakasuot ng itim na long sleeves at siya ang naunang pumasok sa bahay habang may bitbit na dalawang box. I bet that those are cake and pizza. Hindi ko masyadong namukhaan dahil nasa malayo ako. Tinignan ko naman ang apat na lalaking kakapasok lang ng bahay. Ang lalaking nakapolo ng white ay may bitbit na drinks. Ang isa naman ay naka checkered na kulay red at black. The other one is wearing a sweater that is color cyan. And the last one is wearing a dirty-white v-neck shirt.
Ang guess what? THEY ARE ALL HANDSOMEEEE! Naka copslock talaga dahil hindi ako makapaniwala na may mga fafa dito sa bahay ni boss. All of them have a built in body. Like they are made to be perfect. They have an intimidating eyes that makes them more dangerous. Shems, I like danger. Mahahalata mo talaga na mga kaibigan ito ni boss. Parang magkamukha na nga sila eh dahil sa sobrang kapogian. Ang swerte ko naman kung makakasama ko ang mga lalaking ito. How to breath? I need oxygen. Hindi pa nga ako makamove-on kay boss tapos may dadagdag pa. May mabuti kaya akong nagawa noon kaya pinaulanan ako ng swerte ngayon?
Nagtaka ako kung bakit napatigil silang apat sa gitna at nagkatinginan sa isa't-isa. It seems that they are thinking the same thought.
"Were going on a mission, start the countdown." kanta nung naka white polo.
After kumanta ng naka white polo ay agad nagform ng line silang apat. "5,4,3,2,1" lahat sila ay nagbilang with rhythm. Nauna si white polo guy, then si checkered guy, tapos si cyan at ang last ay si v-neck shirt guy.
Parang may question mark na lumilitaw sa aking ulo. Ano ba ang ginagawa nila? Parang mga sira-ulo.
"Everyone to rocket, rev it up now." kanta nung naka cyan.
"Rrrrrrrrrrrrrrr" they sing in chorus at naglakad na patungo sa may pool area. If I'm not wrong, they sing the theme song of Little Einsteins.
Napatawa ako dahil sa kanilang inakto. I was laughing too hard. Behind those dangerous looks, they also have childish sides. Ang cute tignan dahil hindi ko inakala na ganoon sila. Nakakamiss tuloy maging bata, 'yung tamang laro lang.
"We're going on a trip in our favorite rocket ship." white polo guy habang may bitbit na drinks.
"Zooming through the sky, Little Einsteins." the guy who wear the cyan sweater. With action pa na parang lumilipad sa kalawakan.
BINABASA MO ANG
The Cold Eyed Killer
RomanceSiya si Althena Dawn Lim, ang babaeng may pangarap sa buhay. Ngunit ito ay nasira dahil sa hindi inaasahang pangyayari. _____'''_____ Iniwan siya ng sariling ama kaya kinupkop siya ng kanyang Tita na may legal na...