Chapter 8

211 13 0
                                    

Chapter 8

Hindi naman masyadong malayo ang ang restaurant na Sugoi dahil nakarating din ako kaagad. Nahihiya kong pinarada ang aking sasakyan katabi ang mga mamahaling sasakyan. Para naman akong naligaw dito.

Bumaba ako at nagtungo sa pinto ng restaurant. Natanaw ko na si Boss mula dito sa labas. Pumasok ako at lumapit sa kanya daladala ang aking bag at 'yong envelope. Pagdating ko sa kanyang harapan ay nakita ko ang kasamang babae. Ang ganda at bata pa niya. Parang anghel ang mukha. Siguro nagdedate sila dahil pandalawahan lang kasi ang mesa at ang romantic pa ng ambience.

"Good morning Boss" napalingon si Boss saakin pati na rin 'yong babae "Ito na po 'yong envelope na pinadala niyo" at inabot ko sa kanya ang envelope.

"Good" binuksan niya naman ito at kinuha ang ilang papeles.

"Miss Cruz, please sign this contract. Don't forget to read before you sign." kalmadong sabi ni Boss habang tinitignan niya ang mga papeles saka inabot ito sa babae.

Hindi pala niya girlfriend 'yon, baka ka business partner lang.

kinuha ni Miss Cruz ang papel "Don't worry Cray, kilala mo naman ako and besides you already elaborate the terms." tinignan niya si Boss ng nakaka-akit na tingin at ngiti bago binasa at pinirmahan ang mga papel. Matagal na siguro silang magkilala dahil Cray lang ang itinawag ng babae kay Boss.

Matapos niya itong mapirmahan ay tumingin siya saakin, head to foot pa. "Is that your new secretary? Maraming iba diyan, bakit 'yong mukhang cheap pa" hindi ko inaasahang sabihin niya iyon. Akala ko mabait siya, ang amo pa naman ng mukha.

"Hmm" tumangong tugon ni Boss. Boss naman, hahayaan mo bang lalaliitin ako ng babaeng yan? Oo nga pala, wala pala siyang pakialam saakin.

Imbes na magalit at mainis ako, nginitian ko nalang siya ng napakatamis. Kaya ko pang tiisin ang pag-uugali ng babaeng iyan.

"Saan mo ba napulot yan?" sumusobra na siya ah "I bet, hindi yan magtatagal sa kompanya mo. Ang baduy pa, hindi marunong mag-ayos. Tsk" parang nandidiring sabi niya.

Kasalanan ko bang baduy ako o baka sira 'yang paningin mo dahil sa pagkaka-alam ko, mukha akong desente at presentable sa suot ko? Hindi ko na talaga kaya ang panglalait ng babaeng yan, nakakasakit na ng damdamin.

"Mawalang galang na po" huminga muna ako ng malalim saka tinignan siya sa mata "una sa lahat, wala po kayong karapatan na laitin at husgahan ang pagkatao ko. Pangalawa, meron po bang bagbabatayan ng kagandahan ang isang secratarya? Wala naman po diba? Ginagawa ko lang po ang trabaho ko." naiinis na ako, idagdag mo pa ang pangangawit ng binti ko sa kakatayo. Kung siya nalang kaya ang papatayin ko.

'Kung gusto niyo, kayo nalang po ang maging secretary.' ang sarap idagdag ang mga katagang 'yan. Nakaka-imbyerna.

Nagulat siya sa sinagot ko. "owss" napahawak pa siya sa kanyang bibig, ang OA "na-offend ba kita? Sorry" ang sarap niyang ihagis sa pacific ocean. Hindi ba halata?

"Okay lang po" mabuti nalang mabait akong tao. Kalma lang self.

Bigla namang tumayo so Boss at inayos ang kanyang necktie. "So I think we're done, can I have the papers now Miss Cruz?" isa pa tong boss ko, hindi man lang niya sinita ang babaeng 'yan.

Nabaling naman ang tingin ni impakta sa boss ko. "Yes Cray, kailan ako magsisimula?" at nakangiti naman niyang inabot ulit ang papeles kay Boss. Ang landi amp.

The Cold Eyed KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon