Chapter 30
Kung akala niyo ay tahimik ang byahe namin, pwes nagkakamali kayo dahil ang ingay ni Allison. Gusto ko sanang umidlip muna pero hindi ko magawa kasi sobrang daldal ni Allison. Hindi rin nagrereklamo si boss at tahimik lang siyang nakikinig kay Allison.
Hindi ko nalang sila pinansin at nakatingin lang ako sa labas. Medyo malayo na kami sa siyudad at puro kakahuyan na ang aming nadadaanan. Maaga pa naman at siguro mga 9 or 10 a.m. pa kami makakarating sa lugar na aming pupuntahan.
Sasandal na sana ako ngunit napatigil ako ng magsalita si Allison. "Cray. Can we stop for a minute? Because I need to use the comfortroom."
"Okay." Sagot ni boss at tumingin sa driver. "Please stop at the gasoline station."
"Yes Boss." Sabi naman ng driver.
Tumigil nga kami sa gasoline station at buti nalang ay mayroong cr. Bumaba na si Allison at pumusok sa cr na nasa tabi ng convenient store.
"Hay salamat." Narinig naming sabi ni Jay na nasa harap. "Nakahinga rin ako ng maluwag." Sarkastiko niyang sabi kasabay ang isang mahabang buntong hininga.
Nagtaka kami kung bakit bumaba si boss. Sinundan namin ng tingin si boss kung saan siya pupunta. Lumingon si Jay sa akin at parang tinatanong niya kung saan pupunta si boss. Nakibit-balikat lang ako dahil hindi ko naman alam kung saan pupunta si boss.
Maya-maya ay nagulat ako ng buksan ni boss ang pinto ng sasakyan na nasa aking gilid.
"Boss? Anong kailangan niyo?" Nagtataka kong tanong.
Maging sina Fevie at Joan ay nagtaka rin kung bakit binuksan ni boss ang pinto.
Tumingin sa akin si boss pagkatapos ay tumingin kay Fevie.
"Fevie, lets exchange seats." Sabi ni boss habang ang isang braso ay nakatukod sa van.
Lumingon ako kay Fevie at sakto naman dahil nakatingin din siya sa akin.
"No." bulong ko.
"Fevie?" seryoso talaga si boss dahil medyo nakakatakot na ang kaniyang boses.
"Yes boss." Sagot ni Fevie.
Tumayo si Fevie at dumaan siya sa aking harapan. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa nakababa na siya sa van. Pumasok na siya at tumabi kay Paul.
"Usog." Sabi ni boss na nakatayo sa labas.
Hindi ako umusog at tinignan lang siya. Bahala ka diyan. Pasensiya boss dahil medyo matigas ang ulo ng sekretarya niyo.
Nang napagtanto niya na hindi talaga ako kumilos ay hinawakan niya ang aking hita. Dahil sa pagkabigla ay tinapik ko ang kaniyang kamay at napausog sa tabi ni Joan. Tinignan ko siya ng masama ngunit ang loko ay ngumisi lang at umupo sa aking tabi. Sinara na niya ang pinto. Tumingin ako sa kabilang direksyon dahil ayaw kong harapin siya.
Ngayon ay nakaupo na ako sa pagitan nina Joan at boss.
"I'm back!" sabi ni Allison habang nakangiti siyang naglalakad pabalik ng van.
Pagbukas niya ng pinto ay napawi ang kaniyang ngiti nang makita niyang si Fevie na ang nakaupo sa tabi ni Paul. Lumingon siya kay boss na nasa aking tabi at pagkatapos ay tumingin sa akin.
Hindi siya nagsalita at nakabusangot lang ang kaniyang mukha. Wala siyang ibang choice kundi tumabi kay Fevie na nasa pagitan nila ni Paul.
Buong byahe ay nakatingin ako sa kabilang direksyon. Kahit nangangalay na ang aking leeg ay hindi talaga ako lumilingon kay boss. Umabot sa puntong hindi ko na kaya dahil masakit na talaga 'yung leeg ko. Dahan-dahan kong ginalaw ang aking ulo at napapikit ako dahil masakit talaga.
BINABASA MO ANG
The Cold Eyed Killer
RomanceSiya si Althena Dawn Lim, ang babaeng may pangarap sa buhay. Ngunit ito ay nasira dahil sa hindi inaasahang pangyayari. _____'''_____ Iniwan siya ng sariling ama kaya kinupkop siya ng kanyang Tita na may legal na...