Chapter 15
Nandito ako sa labas ng kanilang bahay at minamasdan ang mga nagsasayawang mga puno at ang sinag ng inang araw. Maaga kasi akong nagising habang ang mga kasama ko ay natutulog pa.
Umupo ako at itinukod ang aking mga siko sa damo. Pinikit ko ang aking mga at ninanamnam ang simoy ng hangin. Gusto ko ang ganitong scenario. Parang walang problema, walang ibang iisipin kundi ang payapang kapaligiran.
"Magandang umaga Miss Althena" napamulat ako at lumingon sa taong nagsalita.
Nakita ko si Tatay Juan na may dalang dalawang tasa. Lumapit siya sa akin at inabot ang isang tasa ng kape.
"Althena nalang po" pagwawasto ko. Napakapormal kasing pakinggan ang Miss Althena, hindi ako sanay. Mas okay na 'yung Althena.
Ngumiti siya sa akin bago humarap sa papasikat na araw "Magkape ka muna, Althena".
Inabot ko ang kape at sinundan kung saan siya nakatingin. "Salamat po" pasasalamat ko.
"Ang ganda talaga ng pagbubukas ng liwayway." Sabi niya na nakatingin sa papasikat na araw.
Ang ganda talaga ng araw habang unti-unti itong uma-akyat. Maganda din tignan ang mga anino ng mga naglalakihang mga puno. Matagal ko ng hindi naramdaman ang ganito kapayapang paligid.
"Maganda po itong kahulugan ng pagsisimula ng bagong umaga, bagong pag-asa at bagong hamon sa buhay." emosyonal kong sabi.
Napatango ng kaunti si Tatay Juan "Tama ka ija"
Marami ng naranasang pagsubok si Tatay Juan na kahit kakapusan sila ng pera, nagawa nilang maging masaya. Hindi kagaya sa ibang pamilya na, hindi nga sila nahihirapan sa pera pero hindi nila magawang maging masaya, 'yung totoong saya. Marahil masaya sila sa perang nakuha pero hindi nila alam na ang totoong kasiyahan ay makukuha mo sa pagkakaisa at pagsasamahan ng iyong pamilya. Greedy people can't seek the true meaning of happiness.
"Siya nga pala Tatay Juan, matanong ko lang. Ano po ba ang mabuting nagawa ni Boss sa pamilya niyo?" gusto ko itong itanong. Hindi ko kasi masyadong naiintindihan kung bakit sila nagpapasalamat kay boss kagabi.
"Si Boss, ngayon ko lang siya nakita muli simula pagkabata, hindi ko na nga siya nakilala dahil malaki na ang kanyang pinagbago." sabi ni Tatay Juan habang ako ay tahimik lang na nakikinig.
Sumimsim muna ito ng kape bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Tinulungan kasi kami ni boss, sa panahon na nagka dengue ang bunso namin. Wala kaming ibang matakbuhan kundi sa mansion ni boss sa hacienda. Wala nga siya sa hacienda ngunit may nangangalaga naman sa mansion niya. Humingi kami ng tulong doon at sa mabuting asal, tumawag si Boss at inutusan ang kanyang katiwala na handugan kami ng sapat na pera para mabayaran ang mga gastusin sa ospital" nakangiti si Tatay Juan habang nagsasalita. Ang bait pala ni boss.
"Hindi siya humingi ng kapalit. Ganun kabait ang kanilang pamilya"
Napatango ako, may puso pala siya.
"Ako at ang panganay kong anak na lalaki na si Roy ay matagal ng nanunungkulan sa pamilyang Lopez." Pagkukwento ni Tatay Juan.
Sa ngayon, parang unti-unti na akong naliliwanagan kung bakit kilala nila si Boss.
"Noong bata pa si Boss Cray, si Boss Cray kasi ay nasa lugar ng kanyang ama at naninirahan sila sa siyudad, saka hindi sila masyadong pumupunta sa kanilang hacienda, tuwing bakasyon lang. Kung pupunta naman sila ni Ma'am Dexy sa hacienda, bihira ko lang makikita si Boss Cray dahil hindi siya masyadong lumabas sa mansion." Medyo lumungkot ang kanyang boses "Pero simula ng pumanaw si Ma'am Dexy, hindi na muling bumisita si Boss Cray at ang kanyang ama sa hacienda. Ang mga kasambahay lang nila ang nangangalaga sa kanilang mansion" mararamdaman mo sa kanyang boses ang pighating nararamdaman.
BINABASA MO ANG
The Cold Eyed Killer
RomanceSiya si Althena Dawn Lim, ang babaeng may pangarap sa buhay. Ngunit ito ay nasira dahil sa hindi inaasahang pangyayari. _____'''_____ Iniwan siya ng sariling ama kaya kinupkop siya ng kanyang Tita na may legal na...