Chapter 5
Pagpasok namin ni Justin ay napapansin ko na tinitignan kami ng mga empliyadong nakasalubong namin. May mali ba sa itsura ko? O baka naman sa suot ko?
Yumuko ako para tignan ang aking kasuotan kung may mali ba.
"Anong problem?" tanong ni Justin sa akin bago kami pumasok sa elevator.
"Bakit sila nakatingin sa atin?"
"Siguro nagtataka sila kung bakit tayo magkasama?" Baka iniisip nila na may something sa amin ni Justin dahil magkasama kaming pumasok. Issue agad porket magkasama lang kaming pumasok. Mga tao talaga.
Pagdating namin sa pang-apat na palapag, bumukas ulit ang elevator at pumasok si Joan.
"Good morning Althena and good morning Sir Justin" bati niya saamin.
"Good morning din Joan" bati ko pabalik ngunit tahimik lang si Justin.
Nilingon ko si Justin na masamang nakatingin kay Joan. Siniko ko siya kaya napatingin siya saakin.
"Anong problema mo?" mahinang bulong ko para hindi kami mapansin ni Joan.
"Wala" sabay iwas ng tingin. Parang may something eh.
Tahimik kaming nakasakay sa elevator hanggang umabot kami sa ika labing-anim na palapag. Bumukas ulit ang elevator saka lumabas sina Justin at Joan. Kumaway ako sa kanilang dalawa.
"See you Justin at Joan!" sabi ko at tumango lang si Justin habang gumanti rin ng kaway si Joan sa akin.
"See you later Althena." sabi ni Joan
Ako nalang mag-isa dito. Nakatingin lang ako sa dalawa na papaalis habang hinihintay ko na sumara ang elevator ngunit nagulat ako ng may isang kamay ang biglang lumitaw at walang iba kundi si Boss.
Pumasok si Boss nang hindi man lang tumingin o sumulyap sa akin, parang hindi niya ako nakita.
Humarap ako sakanya at ngumiti. "G-good morning Boss." bati ko sakanya.
"Hmm" yun lang ang sagot niya sa good morning ko? Hindi man niya ako nilingon. Pero kahit yan lang ang sagot niya, ang sexy pa rin pakinggan.
Sana katulad din ng nasa nobela na kayo lang dalawa sa loob ng elevator tapos huminto ito dahil nasira o 'di kaya brown out. Tapos walang signal ang inyong mga cellphone para sana humingi ng tulong. Tapos mata-trap kayo. Tapos....
"Ehem" napatingin ako sa harap. "Don't you want to go out?" sabi niya habang nakatingin na sa akin. Natememe ako, ano ka ngayon Althena? May pa nobela-nobela ka pa kasi. Pero what if noh?
Hindi na ako hinintay ni Boss na makasagot at nauna na siyang lumabas.
"Lalabas na po" nakayuko akong naglakad papalabas at sumunod sa kanya.
"Because you didn't start your job yesterday to organize the papers on my desk. I think you need to arrange it now." utos niya habang nakatalikod parin sa akin.
Oo nga. Dahil sa ginawa ko kahapon, hindi ko na pala natapos ayusin ang mga papeles ni Boss. Wait, hindi ko nga nasimulan kahapon, tapusin pa kaya? Nasaan na ba ang utak mo Althena? Parang naiwan mo pa sa palasyo ng Boss mo.
"Masusunod po" hindi muna ako sumunod kay Boss na pumasok sa kanyang office dahil kailangan ko ring ayusin ang mga gamit ko sa desk.
Nang matapos ko na itong ayusin ay tinignan ko ang aking sariling suot. Bakit ba kasi ito pa ang napili kong suotin. Sa tuwing lalakad ako ay aangat ng unti-unti ang skirt kaya lagi ko itong hinihila pababa.
BINABASA MO ANG
The Cold Eyed Killer
RomanceSiya si Althena Dawn Lim, ang babaeng may pangarap sa buhay. Ngunit ito ay nasira dahil sa hindi inaasahang pangyayari. _____'''_____ Iniwan siya ng sariling ama kaya kinupkop siya ng kanyang Tita na may legal na...