Chapter 27
Third Person's POV
Nag-aabang sa labas ng mansiyon sina Olivia at Althena. Hinihintay nila ang senyales ng kambal kung kailan sila papasok. Sa kabilang banda ay pumasok na ang kambal at nagpanggap na mga katulong. Dahil sa kanilang angking alindog ay nakapasok sila kaagad.
"Salamat po sir." Malanding sabi ni Mika sa lalaking nagbabantay sa labas ng gate.
Magpapanggap pala sila na katulong since naghahanap sila ng mga maid para magsisilbi sa mansion. Nagkukunwari sila na bagong dating. Ang mga nagbabantay sa labas ng gate ay nakasuot lang ng pang civilian na damit at may dala silang armas.
Salamat kay Hades at nalaman din nila na may security scanner sa may gate. Pwede sanang umakyat sa nagtataasang pader ngunit may mga detector ang mga pader kaya delikado dahil kaya nitong i-detect ang sino mang kahinahinala na dadaan sa itaas ng pader.
"Pumasok na kayo." Malandi ring sabi ng nagbabantay at marahang hinawakan ang balakang ni Mika.
Si Miku naman ay nakatayo lang sa likod ng kaniyang kambal at suot niya ang kaniyang mapang-akit na ngiti habang pinagpapantasiyahan siya ng iba pang lalaki na nagbabantay sa labas. Walang dalang baril ang kambal dahil sigurado silang mahuhuli sila. Kaya kasing i-detect ng security scanner ang mga armas kagaya ng baril.
Nakapasok na sila pero bago sila nagpatuloy ay hinalikan muna ni Mika ang pisngi ng isa sa nagbabantay kaya naghiyawan ang mga ito. Rinig na rinig nila Althena ang panunukso ng mga bantay sa kambal kahit nagtatago sila sa di kalayuan.
"Ako din miss, pakiss din dito." Panunuksong sabi ng lalaki habang nakaturo sa kaniyang labi.
Hinawakan naman ni Miku ang labi ng lalaki at tinitigan niya ito sa mata sabay sabing. "Later darling." at pinakita niya ang kaniyang nakakamatay na ngiti.
Nakapasok na sila ngunit napansin nila na may dalawang lalaki na nakatayo sa loob ng gate. Ang dalawang lalaki ay hindi kagaya nung mga nasa labas na nagbabantay dahil nakasuot ito ng pormal na suit at walang ekspresiyon ang kanilang mukha. Hindi nga nila tinapunan ng tingin ang kambal tila wala itong pakialam sa kanila. Hindi lang ito pinansin ng kambal at nagpatuloy lang sa paglalakad.
Successful silang nakapasok at dumiretso agad sa kusina. Malaki ang mansiyon at napansin nila ang dalawang lalaki na nakatayo sa paanan ng hagdanan at katulad ito ng dalawang nagbabantay sa loob ng gate. Walang ekspresiyon ang kanilang mukha at para silang mga estatwa na nakatayo dahil hindi sila gumagalaw. Nanatiling nakatayo lang sila at nakapagtataka dahil wala kang makikitang armas sa kanilang katawan.
Pagdating sa kusina ay napansin ng kambal ang chef na nagluluto kaya pasimple silang tumulong at ginampanan talaga nila ang pagiging katulong. Pumunta naman si Miku sa lugar na wala masyadong tao at pinindot niya ang earbuds na nasa tenga at nag-update kina Hades at Althena kung ano ang kasalukuyang lagay nila.
"This is 030, I want to update that we successfully entered the mansion and we're currently helping the cook for preparing the food. I guess this food was for Mich and I think she is somewhere on the second floor." Pasimpling sabi ni Miku at tumingin-tingin din sa paligid dahil baka may makakita sa kaniya.
"095 speaking. Like what we've planned, I bet the security room is on the second floor so kailangan niyong makapasok doon to inject the flash drive that I gave so that I can hacked and take down the security system. Para makapasok na rin sina 013 at 003." Tugon ni Hades na naiwan sa loob ng van.
BINABASA MO ANG
The Cold Eyed Killer
RomanceSiya si Althena Dawn Lim, ang babaeng may pangarap sa buhay. Ngunit ito ay nasira dahil sa hindi inaasahang pangyayari. _____'''_____ Iniwan siya ng sariling ama kaya kinupkop siya ng kanyang Tita na may legal na...