Chapter 3
Nagayon ang ikalawang araw ko sa pagtatrabaho bilang isang sekratarya. Pagkatapos sa nangyari kahapon ay lumabas nalang ako at naupo doon sa may desk. Tama nga ang hula ko, ang desk na 'yon ay para sa sekratarya ni boss. Nakiki-boss na rin ako. Yun ang tawag nila eh.
Pero Vergara. Kung Vergara ang apelyido ni Boss at ni Justin tapos Dustin, Justin. Hindi kaya magkapatid sila?
"Yes, we're siblings"
"Ay kabayo" sabi ko
Tinignan ko ng masama si Justin at tumawa lang siya. Hindi ko nalang 'yun pinansin.
"Justin, so magkapatid kayo ni Boss?" Kanina ko pa kasi gustong itanong yan.
"Yes" ngumiti siya ngunit may bahid na kalungkutan.
"Pero bakit boss ang tawag mo sakanya eh pwede namang bro" natawa naman siya sa sinabi ko. May nakakatawa ba?
"Hindi kasi kami ganun ka close at saka gusto niya na Boss ang tawag sa kanya especially here in the workplace." ang arte talaga, pati sarili niyang kapatid boss din ang tawag.
Siguro hindi sila ganun kalapit sa isa't-isa o sadyang may problema talaga sa pagitan nila.
"And" napalingon naman ako sakanya "we're just half brothers."
Hindi ko inasahan ang kaniyang sinabi.
"Ang lungkot naman non. Pero kahit hindi kayo magkasundo, magkapatid pa rin kayo",magkadugo pa rin sila.
"Yeah, I understand that."
Sabay kaming napatingin sa telepono na nasa aking desk ng bigla itong tumunog.
At bilang isang sekretarya ay sinagot ko ito.
"Althena, mauna na ako" paalam ni Justin. Tumango lang ako sa kaniya, saka siya umalis.
Binalik ko nalang ang aking atensyon sa telepono.
"Hello?"
"Get me a cup of coffee" kahit sa telepono ay malamig parin ang kanyang boses.
"Yes Boss." kulang nalang magsalute ako sa kanya. Ang bossy.
Ibinaba ko na ang telepono at tatayo na sana ako. Pero napatigil ako nang napagtanto ko na hindi ko pala alam kung saan gagawa ng kape.
Nakita ko namang papalapit si Marissa o Melissa sa pinto ng office ni boss. Nakalimutan ko na kasi ang pangalan niya.
"Excuse me." papasok na sana siya sa pinto ngunit napatigil ito at lumingon saakin. "Pwede magtanong?"
"Oh?" sabi niya habang nakataas ang kilay. Taray naman.
"Matanong ko lang kung saan banda ang coffee maker o pagawaan ng kape ni boss" sa hindi ko pa alam ang mga pasikot-sikot dito sa building. Baka mamaya, magpapasama ako kay Justin na maglibot dito at kilalanin ang iba't-ibang department, lalo na at isa akong secretary.
"Maglakad ka lang doon," tinuro naman niya ang direksyon. "tapos kumaliwa ka lang at makikita mo ang isang counter." umirap naman siya bago binuksan ang pinto at pumasok.
BINABASA MO ANG
The Cold Eyed Killer
RomanceSiya si Althena Dawn Lim, ang babaeng may pangarap sa buhay. Ngunit ito ay nasira dahil sa hindi inaasahang pangyayari. _____'''_____ Iniwan siya ng sariling ama kaya kinupkop siya ng kanyang Tita na may legal na...