Chapter 1
Napabangon ako ka agad dahil sa isang masamang panaginip. My worst nightmare that keeps haunting me.
Diring-diri ako sa aking sarili tuwing maalala ko ang mga nangyari noon. Anim na taon na ang nakalilipas, at sa anim na 'yun natutunan ko maging matatag, maging matapang at kumitil ng buhay.
Natigil ang aking pag-iisip dahil sa tunog ng doorbell.
Pumasok muna ako sa cr para manghilamos bago lumabas ng apartment para tignan kung sino ang tao sa labas.
Bumungad sa aking harapan si Tita Alicia na nakatayo sa labas ng gate. Siya pala ang nagmahal at nag-alaga saakin simula nung iniwan ako ng salbahe kong ama.
Pagkatapos ang pangyayaring 'yon ay umuwi ako sa bahay na umiiyak. Nadatnan ko sa bahay namin si papa na nag-iimpake ng gamit. Isa-isa niyang nilagay ang kaniyang mga damit sa isang malaking bag.
"Pa, saan kayo pupunta?" sabi ko sa gitna ng aking pag-iyak
Nang makita nya ako ay napansin ko sa kanyang mga mata ang galit. Kinabahan ako ng lumapit sya sa akin at hinablot ang aking braso. Sobrang higpit ng kanyang pagkakahawak na sigurado akong magkakapasa ako.
"Saan ka galing?!" pasigaw niyang sabi.
Dahil sa kaba at takot ay wala akong nagawa kundi ang umiyak. Wala mang kahit anong salita ang lumabas sa aking bibig.
"Alam mo bang nasa blacklist na ako dahil bigla ka daw nawala!"
"A-ano?" hindi ko naiintindihan ang kaniyang mga sinsasabi
"Dahil yun sayo!" sigaw nya at sinampal ako.
Napahawak ako sa aking pisngi at tila namanhid ito.
"Lumayas kana dahil ibinenta ko na ang bahay na ito! At kung maari, kalimutan mo ng ama mo ako"
"Papa, sama po ako sayo." pakiusap ko sa kaniya habang nakaluhod sa kaniyang harapan.
Hindi ko na alam kung ano ang gagawin. Hindi ko na alam kung ano ang una kong iisipin.
"Bahala ka na sa buhay mo, nagka leche leche na ang buhay ko dahil sayo." Hinatak niya ako palabas ng bahay at itinulak ako. Napa-upo nalang ako sa semento at napansin ko ang sugat sa aking palad.
Tumalikod na si papa at sumakay na sa kanyang kotse at tuluyan ng umalis...
Tila nanglabo ang aking paningin dahil sa mga luha at medyo nahihilo na rin ako.
"P-papa", bulong ko bago ako nawalan ng malay.
Paggising ko ay natagpuan ko ang aking sarili sa isang kwarto at nakita ko si Tita Alicia na naka-upo sa gilid ng kama habang hawak niya ang aking kamay.
Kusa nalang tumulo ang mga luha sa aking mata dahil sa bigat na aking nararamdaman. Niyakap ako ni tita at mas lalo akong humagugol.
Si Tita Alicia pala ang nag-iisang matalik na kaibigan ni mama at itinuring kong pangalawang ina. Kinuwento ko kay Tita ang lahat ng nangyari, lahat-lahat. Galit na galit din si Tita kay papa pagkatapos niyang marininig ang mga ginawa ni papa sa akin.
Pagkatapos ay kinupkop niya ako at inalagaan na parang tunay anak.
"Althena, okay ka lang?" tanong sa akin ni Tita kaya napabalik ako sa realidad.
BINABASA MO ANG
The Cold Eyed Killer
RomanceSiya si Althena Dawn Lim, ang babaeng may pangarap sa buhay. Ngunit ito ay nasira dahil sa hindi inaasahang pangyayari. _____'''_____ Iniwan siya ng sariling ama kaya kinupkop siya ng kanyang Tita na may legal na...