Chapter 22
Si Justin ba talaga 'yong taong nakita ko? Mukhang siya talaga 'yon eh. Pero, ano ang ginagawa niya dito? Parang gulat na gulat 'yong reaksiyon niya nang makita niya ako. Ay ewan ko, baka may ina-asikaso lang siya.
Binalik ko ang aking paningin sa mga mga taong nagkukumpulan sa may parking lot. Lalapit na sana ako ngunit napa-atras din dahil sa pagdaan ng ambulansya. Paghinto ng ambulansya ay agad akong lumapit para matignan kung ano ang nangyari.
Nang nakalapit na ako ay parang hindi ko kayang maigalaw ang aking paa at tila nanginginig ang aking tuhod sa nasaksihan. Napatakip ako ng bibig ng napagtanto ko ang isang walang buhay na babae na nakahiga sa malamig na semento. May kinuha ang mga pulis mula sa kamay ng babae at isa itong puting papel.
Binuksan ng isang pulis ang puting papel at kahit nasa malayo ako ay nakikita ko pa rin ang mga nakasulat doon. Isang lengguwahe na hindi ko naiintindihan.
Ito ang nakasulat doon, "死神"
Habang ina-asikaso ang katawan ng babae ay sinusubukan pa rin ng mga pulis na malaman kung ano ang ibig sabihin ng sulat.
"Ano ang pangalan ng biktima?" narinig kong tanong ng isang pulis sa kanyang kasamahan.
Hindi ko kayang marinig at malaman ang pangalan ng babae. Hindi ako makapaniwala na naging isang malamig na bangkay na siya ngayon. Ayaw kong kumpirmahin kung siya ba talaga 'yan.
Tinignan naman ng kanyang kasamahan ang ID na nasa loob ng zip lock. "Marissa Madrigal ang pangalan ng biktima."
Kinumpirma na ng isang pulis na si Marissa talaga ang babaeng 'yon. Hindi ako makapaniwala na Marissa 'yon. Nagtataka din ako kung sino ang pumatay sa kanya.
"Chief, sabi po ng ating kasamahan na ang nakasulat doon sa puting papel ay Japanese at ang ibig sabihin daw nun ay ang salitang 'Shinigami' na kung isalin sa ingles ay nangangahulugang Grim Reaper o Death." sabi ng isang kasamahang pulis.
Napatango naman ang Chief at inutusan ang kanyang mga kasamahan na maghanap pa ng ebidensiya.
Ano ba ang ibig sabihin ng sulat na iyon. Hindi naman ito katulad sa sulat na natanggap ko pero alam kong may kaugnay iyon sa Shinigami na nasa puting papel. Ano ba ang atraso nila kay Marissa at walang-awa nila itong pinatay. Kahit hindi maayos ang pakikitungo ni Marissa sa akin ay hindi ko maiwasang malungkot. Naiinis ako sa taong gumawa 'non kay Marissa.
Naisip ko si Boss. Alam niya kaya ang nangyari kay Marissa? Kailangan ko siyang tawagan para ipalam ang nangyari. Siya ang boss ng kompanyang pinagtatrabahuan ni Marissa kaya kailangan ang kanyang presensiya dito. Kukunin ko na sana ang aking cellphone ngunit naalala ko na kasama niya pala si Allison at baka maging istorbo lang ako sa kanila. Pero hindi 'yon tama e, kailangan malaman ni Boss ang nangyari sa kanyang empliyado.
Pipindutin ko na sana ang call button ng may magarang sasakyan ang pumarada sa aming harapan. Lumabas doon ang aking boss at napansin kong hindi na niya kasama si Allison. Hindi ako napansin ni boss at dumiretso lang siya papunta sa Chief. Nag-usap sila at nagtungo sa lugar kung saan nangyari ang krimen. Yumuko si boss na tila pinag-aaralan ang mga bagay na nandoon.
"Mr. Vergara, wala na po kaming nakitang ibang ebidensiya maliban sa puting papel na ito." sabi ng Chief sabay abot ng isang ziplock na may lamang puting papel.
Binigyan si boss ng rubber gloves saka niya kinuha ang puting papel. Napakunot ang kanyang noo habang binabasa ang nakasulat doon.
"Mr. Vergara, maaari po ba naming tignan ang CCTV footage?" sambit ng Chief. Tumango si Boss sa kanya na parang nagbibigay pahintulot na tignan ang CCTV footage ng kompanya at saka binalik ang puting papel.
BINABASA MO ANG
The Cold Eyed Killer
RomanceSiya si Althena Dawn Lim, ang babaeng may pangarap sa buhay. Ngunit ito ay nasira dahil sa hindi inaasahang pangyayari. _____'''_____ Iniwan siya ng sariling ama kaya kinupkop siya ng kanyang Tita na may legal na...