Chapter 11
Althena's POV
*Ding Dong*
Narinig kong tumunog ang door bell sa labas kaya pumunta ako roon para tignan kung sino ito.
Pagbukas ko ng gate ay nakita ko ang isang matangkad na lalaki na sa tingin ko ay nasa mid 30s na ang edad. Nakasuot ito ng itim na suit na may badge sa bandang kwelyo na parang crescent moon."Ano po ang maiipaglilingkod ko sa inyo?" magalang kong tanong, mukha naman siyang mabait at kagalang-galang.
"Ito po ba ang bahay ni Ms. Althena Lim?" tanong nito
"Oo, ako po si Althena" pagpakilala ko sa aking sarili "Bakit po? Sino po ba kayo?"
"Isa po ako sa katiwala ni Boss Cray" pagbanggit palang niya sa pangalan ni Boss, parang alam ko na kung ano ang pakay niya. "Pinapasundo niya po kayo saakin."
"Sige" sabi ko bago pumasok sa bahay.
Hinanap ko si Aldrin. Napagpasyahan ko kasi kagabi na mag-impake na ng gamit dahil alam niyo na, ngayon ang araw kung saan magsisimula na akong maging personal assistant ni Boss.
"Mom" sabi ng munting tinig. Nilingon ko ang aking anak.
"Baby, maghintay ka lang dito. Paparating na si Tita Mich mo" sabi ko at hinawakan ang kanyang pisngi.
Nag-usap din kami ni Mich kagabi na dito muna siya titira sa apartment namin. Siya muna ang mag-aalaga kay Aldrin habang wala ako. Nakakalungkot lang dahil hindi ko na naman makakasama ang anak ko.
Pumunta ako sa aking kwarto para kunin ang isang malaking bag na naglalaman ng mga damit.
"Mom, aalis po ba kayo?" tanong ni Aldrin ng nasa baba na ako.
Lumuhod ako para magkapantay ang aming mukha. Hinawakan ko ang kanyang pisngi at hinimas "Oo baby eh, magwowork si Mommy" yumuko ako ng kaunti dahil nararamdaman ko na parang tutulo ng aking luha, ayaw kong makita niya na umiiyak ako.
Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko. "It's okay mom, I understand. Nadyan naman si Tita Mich. She will take good care of me" hindi ko na napigilan na mapa-iyak.
Ipinaliwanag ko na rin kay Aldrin ang magiging sitwasiyon namin at naiintindiham iyon ni Aldrin. I'm glad that I have a son like him that is mature enough to understand these kind of things.
Mahihiwalay na naman ako sa anak ko. Madalas lang kami makakapag-bonding dahil sa trabaho ko, at ngayon naman hindi ko na naman siya makakasama. Ito ang disadvantage ng pagiging killer, gusto mong makasama ang iyong pamilya pero kailangan mo rin ang magtrabaho para sa kanila.
"Please stop crying mom, I feel sad when I see you crying" hinawakan din niya ang pisngi ko at pinahiran ang aking luha. Mas lalo akong napahagugol.
"Ang drama niyo naman" nilingon ko ang nagsalita. Nakita ko si Mich na nakasandal sa pintuan.
Tumayo ako "Nadyan ka na pala" at pinahiran ang aking luha gamit ang aking palad.
"Hindi ka naman OFW tyaka magkikita pa rin naman kayo" natatawang sabi ni Mich.
"Magkikita nga kami pero hindi araw-araw. Alam mo naman ang schedule ko diba. Dalawang araw lang sa isang buwan ang day off ko." nakita ko ang kalungkutan sa mukha ni Mich. Ewan ko kay boss kung bakit dalawang araw lang sa isang buwan ang day off ko.
BINABASA MO ANG
The Cold Eyed Killer
RomanceSiya si Althena Dawn Lim, ang babaeng may pangarap sa buhay. Ngunit ito ay nasira dahil sa hindi inaasahang pangyayari. _____'''_____ Iniwan siya ng sariling ama kaya kinupkop siya ng kanyang Tita na may legal na...