Chapter 16

221 13 3
                                    

Chapter 16

Hindi ko alam kung bakit ko 'yon nagawa. Talagang naiirita na ako sa mga sinsabi niya, sumusobra na kasi ang pinuputak ng kaniyang bibig.

Napansin ko na hindi niya magawang itikom ang kanyang bibig dahil sa pagkabigla.

"Anong nangyari dito?" nakita kong nasa gilid ko na pala ang isang matandang babae. Siguro, guro ito dahil sa suot na uniporme.

Naramdaman ko ang pagyakap ni Sandra sa aking bewang. Siguro natatakot siya sa matandang babae, nakakatakot kasi ang mukha nito lalo pa't malaki ang kanyang katawan. Nakasuot pa ito ng eyeglass. Para siyang si Mrs. Julia Wicket sa Mr. Bean.

Bigla namang kumapit ang babae sa braso ng matanda. Para siyang isang maamong pusa na humihingi ng tulong mula sa nanay. Well, kumpleto na. Siya ang pusa ni Mrs. Wicket, 'yong si Scrapper.

"Anong nangyari?" napalingon ako sa matandang babae nang inulit niya ang kanyang tanong. Nakakatakot ang kaniyang boses, malakas at buo na parang lalaki.

Hindi nagpatinag ang demonyita, mas lalo pa siyang kumapit sa braso ng matanda. Teka, ka ano-ano niya ba ang matanda?

"Sinampal niya po ako?" pagsusumbong ng demonyita at tinuro ako.

Tinignan muna ng matanda ang kabuuan ng babae, tinitignan kung may masakit ba dito, at ang demonyita naman, nagdadrama na masakit ang kanyang braso at ang matindi pa 'dun, may tumulong luha sa kanyang mga mata. Wow, wala na akong masabi sa kanyang acting skills. Pwede na siyang maging best Actress of the year.

Shems, pwede ko ba itong sampalin ulit? Sa kabila naman para pantay. Ang sarap niyang sabunutan, promise.

Napatinag ako ng dumapo sa akin ang paningin ng matandang babae.

"Ma'am, nasampal ko siya dahil may nagawa siyang masama." mabilis kong sabi dahil baka iisipin niya na ako ang na una. Meron akong rason kung bakit ko 'yon nagawa sa kanya.

Totoo naman na yang si demonyitang 'yan ang nanguna. Tama ba ang manakit ng estudyante?

"Bakit, ano ba ang ginawa ni Allison sayo?" tanong ng matanda. Parang galit na sabi niya sabay yakap kay demonyita.

Huwag mong sabihin na may plano siyang kampihan ang demonyitang 'yan. Sabagay, sino ba ako para kampihan niya? I'm just a stranger to them.

"Wala siyang ginawa sa akin, pero sa bata, meron" pagmamatigas kong saad. Naramdaman ko na mas lalong humigpit ang yakap ni Sandra sa 'kin.

"Ano naman ngayon?" tinignan niya si Sandra sa aking tabi. "Wala namang nangyari sa kanya, hindi katulad nitong si Allison," nilingon niya si Scrapper, este si Allison saka hinaplos ang buhok nito. Ang demonyita naman, mas lalong sumiksik kay Mrs. Wicket. "Namumula ang kanyang kaliwang pisngi"

Wow, 'yon lang? Ang special naman ng pisngi ni Scrapper. Paano kung balatan ko 'yang pula niyang pisngi, ano nalang ang magiging reaksiyon niya.

"Kung gusto niyo, sa kanang bahagi naman para pantay?" mahinag bulong ko na siguradong ako lang ang nakakarinig.

"Anong sabi mo?" tanong ni Scrapper. Napansin niya pala ang binulong ko? Ang talas talaga ng pandinig ni Scrapper. Lumapit siya ng konti sa akin kaya medyo umatras ako.

"Wala" mahinhin kong sagot. Pinipigilan kong huwag maging sarkastiko. Self, kalma ka lang. Kapag lumaban ka pa, mas lalong lalaki ang gulo.

"Hindi mo ba kilala itong si Miss Allison?" biglang sabi ng matandang babae. Bumalik naman si Scrapper sa kanyang pwesto saka kumapit ulit kay Mrs. Wicket. "Siya lang naman ang nag-iisang anak ng principal ng paaralang ito" nakataas noong sabi ni Mrs. Wicket.

The Cold Eyed KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon