Chapter 35

45 3 0
                                    

Chapter 35

Nandito ako ngayon sa apartment ko dahil kinuha ko ang iilang gamit namin ni Aldrin. Kanina pala ay hinatid ko na si Aldrin kasi napag-usapan namin ni Carol na sa park nalang kami magkita 'yung katapat lang ng mall. Buti nalang ay go na go si Aldrin at sumama agad kay Carol nang marinig niya na bibilhan siya ng bagong laruan.

Si Cray naman ay maagang umalis. Teka, naalala ko ang sinabi niya kagabi. Hindi ako masyadong nakatulog nang maayos kaka-isip kaya medyo lutang ang ante niyo ngayon. Maagang umalis si Cray dahil mayroong friendly game ang kompanya together with other companies and corporations. Like sports tournament and other games.

Hindi naman madami ang kinuha kong gamit, 'yung mga essentials lang. Pagkatapos kong kunin ang mga gamit namin ay dumaan muna ako sa supermarket para bumili ng mga groceries. May nadaanan akong store na nagbebenta ng cake at biglang sumagi sa aking isipan ang ginawa ni Cray kagabi. 'Yung sinubuan niya ako ng cake at ang pagbigay niya ng compliment sa akin.

Nagmukha tuloy akong sira dito. Ngumingiti at namumula ang pisngi habang nakatayo sa harap ng bakeshop. Sa tingin ko ay pinagtitinginan na ako ng mga tao. Napayuko at agad pumasok sa bakeshop. Bumili ako ng isang cake na ube flavor at hindi ko alam kung bakit basta gusto ko lang bumili ng cake. Pagkatapos kong nilagay ang aking pinamili ay umalis na ako at pumunta sa bahay ni Cray.

Pagdating ko ay nadatnan ko ang itim na pusa na nakadungaw sa may hagdanan. Pinatay ko ang makina ng sasakyan at binuksan ang pinto ng bahay. Sumunod naman sa akin ang pusa. Bumalik ako sa aking sasakyan at kinuha ko ang bag na may mga gamit namin. Kinuha ko rin ang mga pinamili ko.

Nilagay ko ang mga groceries sa ibabaw ng counter pati na rin ang box na may cake. Umakyat ako sa kwarto at iniwan lang doon ang bag. Mamaya ko nalang 'yan aayusin. Nagbihis na ako ng damit na pambahay at bumaba na.

Pagpasok ko sa kusina ay nakita ko ang itim na pusa na naka-upo katabi ang box ng cake.

"Hello Miming." kina-usap ko ang pusa at hinagod ko ang kaniyang ulo.

Pumikit siya na parang nagustuhan niya ang ginawa ko.

"What's your name?" tanong ko na para bang sasagot ang pusa.

"Meoowwww.." sagot nito sa akin. Ang cuteee.

"I have something for youuu..." sabay kuha ng cat food mula sa eco bag. "TSSAARRAAANNN!!!" winawagayway ko pa ito sa kaniyang harapan.

Tila alam ng pusa na cat food ang hawak ko kaya mas lalong lumakas ang kaniyang pagngiyaw. Binuksan ko kaagad ang cat food at nilagay ito sa lalagyan. Agad naman siyang bumaba sa table counter at diretso kaagad sa kaniyang pagkainan. Tinapos kong ayusin ang mga pinamiling groceries. Nilagay ko sa fridge ang mga gulay at frozen goods pati na rin 'yung cake tapos ang ibang instant foods ay nilagay ko sa cabinet.

Pagkatapos kong mag arrange ay umupo ako sa sofa at binuksan ang TV. Tumabi naman sa akin ang pusa na parang naglalambing. Hinagod ko ang kaniyang likod.

"May pangalan ka na ba?"

"Meoowwww..."

"Kung wala ay bibigyan kita ng pangalan." tumayo ako at kinuha ang aking cellphone. "Magsearch tayo sa internet."

Pagbalik ko nang upo ay pumatong sa akin ang pusa. Umupo siya sa aking hita at nakatutok sa hawak ko na cellphone. "Gusto mo akong tulungang maghanap?" tanong ko sabay hagod sa kaniyang leeg.

"Meooowwww..." sagot nito na parang excited. Naiintindihan niya siguro ang mga sinabi ko?

Sumandal ako sa sofa kaya sumandal na rin sa akin ang pusa. "Napansin ko na mahilig si Cray ng mga bagay na related sa japanese at may lahi rin siyang Japanese, what if japanese name nalang ang ibibigay ko sayo?"

The Cold Eyed KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon