Chapter 23
Maaga akong nagising kaya pumunta agad ako sa kusina. Since wala sina Manang Luz, ako muna ang mag-aasikaso kay boss. Nagtimpla ako ng kape at nilagay it sa dulo ng mesa kung saan umuupo si boss. Hindi nagtagal ay nakita kong bumaba si boss sa hagdan at umupo agad sa kanyang pwesto. Tinignan ko lang si boss nang simsimin niya ang ginawa kong kape. Napatango-tango siya na parang okay lang ang nagawa kong kape. Bumilis ang tibok ng puso ko nang lumingon siya sa akin. Agad akong napayuko at pinagpatuloy ang paghiwa ng mga gulay. Nasa kusina kasi ako at sakto namang naabot ito sa paningin ni boss.
Nagmamadali akong nagluto ng agahan at patay malisya lang sa mga titig ni boss. Ewan ko ba kung bakit ayaw kong humarap sa kanya. Naiilang ako kapag nagkatagpo ang mga mata namin.
Pagkatapos kong maghanda ng agahan ay kinakabahan kong nilagay ang pagkain sa mesa. Buti nalang at hindi nahahalata ni boss ang panginginig ng aking kamay sa kaba.
"Enjoy your breakfast!" magiliw kong sabi para maputol ang katahimikan.
Tinignan muna ni boss ang nakahain sa mesa bago tumingin sa akin. Gusto kong umiwas ng tingin kaso baka kung ano nalang ang iisipin ni Boss kapag ginawa ko 'yon. Kahit hindi ko kaya ay nilalabanan ko pa rin ang makahulugan niyang titig.
"Join me" walang emosyon niyang sabi.
Iwinagayway ko ang aking kamay sa kanyang harapan. "Huwag na boss, mamaya nalang ako kakain. Mauna na po kayo."
Hindi siya gumalaw at nakatitig lang sa akin. "No, you're going to join me."
"Huwag na boss. Okay lang ako, tsaka isa po ako sa mga katulong niyo."
Nagulat ako ng tumayo siya at pumunta sa aking likuran. Mas lalo akong kinabahan nang hinawakan niya ang magkabila kong balikat at pilit na pina-upo sa hinila niyang upuan. Hindi ako makagalaw sa ginawa ni boss kaya nanatili lang akong nakatulala sa hapag. Hindi ko namalayan na may ipinatong si boss na plato, kutsara at tinidor sa aking harapan.
"Just follow what I've said. I am your boss and you must obey my orders. Don't be stubborn. Just sit and join my breakfast. You're still my dear secretary." sabi niya bago bumalik sa kanyang upuan.
Hindi ako makagalaw at nakatitig lang sa kanya. Anong nangyari? Shems, tinawag na naman niya akong ng 'my dear secretary'. Hindi ko mapigilang kiligin sa kanyang inakto. Hindi nalang ako tumutol at kumain nalang.
Tahimik lang kaming kumain ng biglang nagsalita si Boss. "Clean the pool tommorow morning."
Tinignan ko siya. "Bakit po boss?"
"I have visitors." sagot niya at nagpatuloy sa pagkain.
Napatango nalang ako at plinano ang mga gawain sa araw na 'to. First, magliligpit muna ako sa pinagka-inan namin at maglinis sa buong bahay. Habilin kasi ni Boss na hindi muna daw kami papasok sa opisina. Dito muna kami sa mansiyon para may tao. Wala kasi sina Manang Luz. As in lahat ng katulong sa buong mansiyon ay wala. Sinabi pa niya na may bisita raw siya bukas.
"Okay Boss." sabi ko at nagpatuloy na rin sa pagkain.
Nauna akong matapos kaya pumunta na ako sa kusina para masimulan na ang paglilinis. Niligpit ko muna ang naiwang mga recipe sa mesa bago naghugas ng mga pinggan. Nilagay ko ang aking buhok sa kanang bahagi ng aking balikat para hindi sagabal. Habang naghuhugas ng pinggan ay malalim kong pinag-iisipan kung sino ang maaaring bisita ni boss bukas. Parang may gagawin sila or baka naman may paparty si boss sa pool. Kailan pa kaya babalik sina Manang Luz. Ang tahimik ng bahay. Ang laki pa naman ng mansiyon tapos kami lang dalawa ni Boss. Wait, did I just say kaming dalawa? Shems, huwag kang mag-isip ng kung ano Althena. Focus!
BINABASA MO ANG
The Cold Eyed Killer
RomanceSiya si Althena Dawn Lim, ang babaeng may pangarap sa buhay. Ngunit ito ay nasira dahil sa hindi inaasahang pangyayari. _____'''_____ Iniwan siya ng sariling ama kaya kinupkop siya ng kanyang Tita na may legal na...