Chapter 28

169 16 1
                                    

Chapter 28

Althena's POV

Tinignan ko ng maigi ang lalaking nasa aking harapan. Bumaba ang aking tingin kay Mich na naka-upo sa sahig habag nakatali ang kaniyang mga kamay at may tela ang kaniyang bibig. Nakikita ko sa mga mata ni Mich ang takot.

Binalik ko ang aking tingin sa lalaking nakatayo sa aking harapan. Nakatingin lang siya sa akin habang nakapamulsa.

"Ikaw ba si Shinigami?" lakas-loob kong tanong. Ang pagbanggit pa lamang ng pangalang Shinigami ay nakakapanindig balahibo na.

Humakbang siya papalapit sa akin kaya itinaas ko ang aking baril at tinutok ito sa kaniya. Mabuti ng handa.

"What if I am?"

Pati ang pagsasalita niya ay nakakatakot. Puno ito ng autoridad na tila isa itong hari na nagbibigay utos sa kaniyang mga alipin. Ganito pala ang pakiramdam kapag nasa harap mo na ang Shinigami? You can really feel the presence of death?

"So ikaw nga."

Humakbang pa siya papalapit sa akin kaya mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak ng aking baril.

"Are you scared?" tanong niya na mukhang nang-aasar.

Mas lalong lumalalim ang kaniyang boses dahil siguro sa kaniyang suot na mask.

"I-I'm not scared."

"Then why are you trembling?" tanong niya ulit.

Bumalik siya sa kaniyang kinatatayuan kanina, malapit sa kina-uupuan ni Mich. Nagtataka ako kung bakit kaming tatlo lang ang nandito? Ganito ba siya kagaling na hindi na kailangan ng mga tauhan?

Paglapit niya kay Mich ay hinawakan niya ang braso nito at saka pinatayo.

"Let her go!" sigaw ko ng hinawakan niya ang pisngi ni Mich.

I can see that Michelle was scared to death. She is now trembling...just like me and I can see how scared she is.

"Let this girl go? How funny." Marahan niyang hinawakan ang bewang ni Mich.

"Just let her go or else..."

"Or else what?" biglang sumeryoso ang kaniyang tono. "You'll kill me? I wish you luck then."

Ang yabang. Pero kaya ko ba siyang patayin? Natahimik ako. Ngayon ko lang ata narealize na si Shinigami ang nasa aking harapan. Wala si Olivia at ako lang ang nandito. Ano na ang gagawin ko?

Hindi na ako nagdadalawang-isip na barilin siya. I was about to pull the trigger pero nauna na siya. Hindi ko namalayan na may hawak na pala siyang baril. Pinaputok niya ito at nadaplisan ang aking kamay kaya nabitawan ko ang aking baril.

Tinignan ko ang aking kamay at nakita ko na may dugo ito. Kahit malamig ang hangin na humahampas sa aking buong katawan ay hinding-hindi pa rin nito mawawala ang init ng aking ulo. Naiinis at nagagalit na ako sa Shinigami na 'to. Hindi ko lang kasi inakala na ganito pala siya, ibang-iba sa sinabi ni Tita. Pero sabagay, noon 'yon at hindi na ngayon.

Tinignan ko siya ng masama at nagkasalubong ang aking mga kilay.

"Kahit gaano ka pa kagaling ay sinisiguro ko na hindi kana maabutan ng bukas." Kahit alam ko na napakalaking imposible ng mga sinasabi ko.

"Are you referring to yourself? Maybe you don't know me well."

"Alam kong ikaw si Shinigami. Isang dating killer sa ahensiya ni madam Rhea." Sabi ko habang hinahayaan ko lang na dumaloy ang dugo sa aking kamay. "Alam kong simula pa nung bata ka pa ay marunong ka ng kumitil ng buhay."

The Cold Eyed KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon