Chapter 33

262 19 17
                                    

Chapter 33

Nakita ko na hawak-hawak ng isang lalaki ang aking anak. Tumakbo ako patungo sa lalaki at tinadyakan ang kaniyang tiyan kaya nabitawan niya si Aldrin. Yumuko ako at niyakap agad ang aking anak. Naramdaman ko ang panginginig ng kaniyang kamay habang niyayakap ko siya.

Hindi ko nakita ang reaksiyon ni Cray at sa tatay niya. Kung nagulat ba sila o ano.

"Calm down. Mommy's here." Pagpapatahan ko sa kaniya.

Hindi naman siya umiyak pero alam kong natatakot siya.

"I'm scared."

"Don't worry, I won't let them harm you."

Pagtingin ko sa aking tabi ay nakita ko ang dalawang magkabilang baril na nakatutok sa akin. Napansin ko rin na tumayo na si Mr. Cristian sa kaniyang upuan at lumapit sa akin.

"Who are you?" tanong nito habang nakatayo na sa aking harapan.

Sa halip na ako ang dapat sumagot sa tanong ay narinig ko si Cray na ang nagsalita.

"Her name is Althena and she's the mother of my child." Sabi ni Cray na ikinagulat ng lahat. Pati ako ay napatunganga sa kaniyang sinabi. "That's what I want to tell you."

"What did you say Dustin Cray Vergara?!" pasigaw na tanong ng kaniyang ama.

Tumayo si Cray at lumapit sa amin ng anak ko. Inalalayan niya ako saka hinawakan ang aking bewang. Hindi ko rin naiintindihan ang sinabi ni Cray. Ano ang gusto niyang palabasin?

"She is the girl I want to marry and this kid," Hinawakan niya ang ulo ni Aldrin. "he's my son and also your grandson."

Tinignan ko si Cray na may pagtataka. Ano ba ang pinagsasabi ng lalaking 'to?

"I can't believe it!" bulalas ng kaniyang ama.

"D." sabi ng anak ko at napayakap sa binti ni Cray nang marinig niyang sumigaw si Mr. Cristian.

"Hindi ko alam na may anak pala ako and I just discovered it recently. Knowing that Althena is the mother of my son, I decided that I will marry her instead of someone else." Sabi ni Cray at tinignan niya ako sa mata.

Muntik na akong mapaniwala sa kaniyang sinabi dahil nakikita ko sa kaniyang mga mata na damang-dama niya ang kaniyang mga binibitawang salita.

Napatingin ako sa aking anak nang marinig ko ang kaniyang sinabi. Bakit niya tinatawag si Cray na D? magkakilala ba sila?

"Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi mo Cray." Sabi ng kaniyang ama at napa-iling.

"What can I do para paniwalaan mo ang mga sinasabi ko?" tanong ni Cray.

Palipat-lipat ang tingin ko sa pagitan nina Cray at ang kaniyang ama. Parang naiipit kami ng anak ko sa kanilang sitwasyon. Hindi dapat kami kasali sa gulong to o kung ano man ang problema nilang mag-ama.

"Take a paternity test with that kid para mapatunayan mo na anak mo talaga ang batang 'yan." Matiim na sabi ni Mr. Cristian at tinignan niya ng masama si Aldrin.

Inilapit ko si Aldrin sa akin kaya dumako ang paningin ni Mr. Cristian sa akin. Nakatatakot din pala ang ama ni Cray. Parang anytime ay pwede niya akong patayin. Wala talaga akong alam tungkol sa pamilya ni Cray. Pero alam ko na hindi sila isang ordinaryong pamilya. Sa tingin ko ay meron silang tinatagong ibang pagkatao.

"And I need the result within this week. Contact our family doctor immediately." Pahabol na sabi nito.

"Gagawin ko 'yan kahit hindi mo sabihin. You can leave the house right now dad. Thank you for visiting."

The Cold Eyed KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon