Chapter 2

312 19 0
                                    

Chapter 2

Dalawang araw na simula noong nakita ko ang mga matang 'yon. Hindi agad ako makamove-on.

"Mom, I'm done preparing. I'm ready to go to school." napatingin ako sa anak ko.

"Okay baby, I will personally send you to school today especially this is your first day" nakangiti kong tugon

"Will you pick me up later?"

"Yes, of course baby"

"Yeheyyyy" ang cute niya talaga. Sino ba ang ama nito.

Sino nga ba? Napa-isip ako sa aking sariling tanong.

"Are you okay mom? Cause I've noticed lately that you're not-"

"You don't need to worry, I'm better than alright" hindi pwedeng makita ng anak ko na ganito ako, ayaw ko siyang mag-alala sa akin.

Hinatid ko nalang si Aldrin sa school nila. Dala-dala ko ang kaniyang bag at hinatid ko siya sa loob ng campus.

"Bye baby"

"Bye mom" pinaupo niya ako saka niyakap at hinalikan sa pisngi. Ang sweet niya talaga.

Umalis na siya ngunit lumingon siya sa gawi ko at kumaway.

Napangiti nalang ako. Ang swerte ko talaga dahil dumating siya sa buhay ko, tapos ang pogi at cute pa.

Nagring ang aking cellphone kaya tinignan ko kung sino ang tumatawag. Si Tita pala kaya sinagot ko ito.

"Hello Tita?"

"Althena, pumunta ka muna dito sa basement" sabi niya sa kabilang linya.

"Sige po"

Umalis na ako at nagtungo sa aming basement.

Pagdating ko ay pinarada ko ang aking sasakyan sa bandang likuran ng gym. Pagpasok ko sa gym, nakita ko ang aking mga kasamahan. Hindi ito isang ordinaryong gym kundi dito kami nagsasanay.

Napalingon naman ang iba saakin at tumango. Dumiretso nalang ako sa hagdanan saka naglakad pababa patungo sa basement.

Habang naglalakad ako ay sinalubong ako ni Hades saka inakbayan.

"Partner, anyari sayo?" tanong nito saakin

"Wala lang, masaya lang ako kanina kay Aldrin" totoong masaya ako dahil sa ginawa ni Aldrin.

"Akala ko pa naman na ako ang dahilan" sumimangot naman siya.

"Ikaw talaga" pinitik ko nalang siya sa noo at naunang maglakad. Baka kanina lang ako hinihintay ni Tita.

"Sige partner, mauna na ako" paalam ko dito at tumango naman ito.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang nakarating ako sa office ni Tita.

Binuksan ko ang pinto at nakita ko si Tita sa kaniyang desk na busy sa pagbabasa ng mga dokumento. Kumatok ako ng tatlong beses sa pinto kaya napatingin siya saakin.

"O, nandito ka na pala. Maupo ka muna" Umupo ako sa upuan na katapat ni Tita.

"Bakit niyo pala ako pinatawag?"

"May bago ka na namang misyon ngunit ito ay kakaiba. Hindi ito kagaya sa mga nakaraan mong misyon" meron bang ganun?

The Cold Eyed KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon