Chapter 38

61 3 1
                                    

Chapter 38

Pagpasok ko sa kwarto ni Cray ay parang nakahinga ako ng maluwag nang hindi ko makita si Missy. Mabuti nga at wala siya rito. Umalis na siguro. Inilapag ko ang dalang pagkain para kay Cray at inihanda ko ito para makakain na siya ng lunch.

"Kumusta ang game? Panalo ba?" tanong ni Cray

"Oo." tugon ko at kinuwento ko sa kaniya ang mga nangyari kabilang na ang mga ginawa ni Allison sa akin.

"Sobrang nakaka-inis siya kanina. Kung paano niya inagaw sa akin 'yung bola. Dapat sa akin 'yun pero inagaw niya." inayos ko ang mga pagkain sa ibabaw ng bed table. "Pero at least nainis din siya nang makita kung kanino ang suot kong jersey.HAHAHAHA. Quits na kami."

Tumalikod ako kay Cray at pinakita sa kaniya ang kaniyang apelyido at numero. Proud na proud talaga ako na suot-suot ko ito. Hindi naman ako pinawis masyado kaya hindi na ako nagbihis ng damit.

"It suits you very well." sabi niya na may ngiti sa labi kaya napangiti na rin ako.

Tinignan ko si Aldrin at nakatulog na pala sa sofa. Nilagyan ko siya ng kumot para hindi lamigin. Napagod siguro kanina at talagang ang daming naiuwing snacks at chocolates.

"Psst." sitsit ko kay Cray habang siya ay kumakain.

"What?" sabay taas ng kaniyang dalawang kilay.

Siguro mamaya ko nalang siya kakausapin kapag tapos na siyang kumain. "Mamaya nalang pagkatapos mong kumain."

"Join me ."

"Sayo lang 'yan Cray. Tsaka kakakain lang namin ng lunch kasama si Angel."

"But Mi, I can't finish all of these." he said that with pout lips. "Also ayaw kong kumain ng mag-isa."

Hindi pa rin nawala ang pagtawag niya sa akin ng Mi. Talagang kinareer na talaga ng lalaking 'to ang pagtawag sa akin ng aming 'callsign'. At sino ba ang hihindi kapag ganiyan kapogi ang nagpaki-usap sayo. Kaya natagpuan ko nalang ang aking sarili na naka-upo sa paanan ni Cray at sinaluhan siya sa pagkain.

"Si Missy, ex mo talaga 'yun?" tanong habang ngumunguya ng pagkain.

"Uhm." sagot niya sabay tango.

Parang may biglang kumirot sa aking dibdib. Siya talaga si Missy na ex niya. Okay I believe past is past, pero ika nga nila na there's a second chance. Pero para sa akin, hindi nila deserve ang second chance.

"Mahal mo pa rin siya?"

Napatingin siya sa akin. "Why did you asked? Are you jealous?"

"NO!" napa-iwas ako ng tingin "I'm just curious dahil hindi ko inakala na pupunta siya rito para bisitahin ka."

"Supposed to be uuwi siya dito next month, that's what she told me."

"Nag-uusap pa rin kayo kahit mag-ex na? At tsaka ilang buwan o taon na kayong break?" para akong isang detective na nag-iimbestiga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 26 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Cold Eyed KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon