Chapter 13

205 10 0
                                    

Chapter 13

Ngayon na, ngayon na ang araw kung saan sasama ako kay boss sa kanyang business trip.

"Althena, handa na ba ang mga gamit mo?" tanong si Alphie na nakaupo sa kama niya.

Tinignan ko ang aking backpack na may laman na damit at isang survival knife, for incase of emergency, kung pwede ko na siyang paslangin.

"Yeps, hinanda ko kagabi" at binalik kay Alphie ang tingin.

Nagtaka ako ng biglang ngumiti ng nakakaloko si Alphie. Ang creepy niya, promise. "Anong tingin iyan?"

Tumayo siya at tumabi sa akin. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko kahapon, anong ganap sa inyo ni Boss?" tanong niya at yumakap sa aking braso.

Naalala ko na naman ang nangyari kahapon. Shet na malagket talaga, hindi ako pinatulog kagabi.

Nagdadalawang-isip ako kung ikukwento ko ba kay Alphie ang nangyari sa amin ni boss o ano. Baka pagtawanan niya pa ako.

"Huy, ano na? Meron bang nangyari? May gusto ka ba kay boss?" sunod-sunod niyang tanong.

"Ako, may gusto sa kanya?" umiiling-iling ako at tinignan siya "pwes.... slight lang"

Nakita kong unti-unting lumaki ang kanyang mata at ang kanyang ngisi. Hinampas niya ako sa braso ngunit hindi naman masakit. Kilig na kilig ang lola niyo.

Hindi ko idedeny na crush ko si Boss, pero kaunti lang. Parang paghanga lang, sa gwapo ba naman niya, tanga lang hindi magkakagusto sa kanya. Pero hindi ko pwedeng makakalimutan kung ano talaga ang pakay ko dito. Hindi ko pwedeng suwayin ang iniutos sa akin Tita. Ang pagtrabaho ko bilang killer ay kulang para mabayaran ang pag-aaruga sa akin si Tita at sa anak ko.

"Awiieeee, sabi na nga ba ehhhh" sinusundot-sundot niya pa ang bewang ko.

"Pero konti lang" saway ko dito.

"Pareho pa din 'yon, may gusto ka pa rin kay boss"

Ngumiti ako "Sabi mo eh" sabay nagkibit-balikat.

Tumigil ang aming pag-uusap nang may kumatok sa pinto ng aming kwarto.

"Ako na" presinta ni Alphie at binuksan ang pinto.

Nakita namin ang isang binatang lalaki na
nakatayo sa harap ng pinto. Ngayon ko lang siya nakita, at may lalaki pala dito? Sabi kasi sa akin ni Alphie kagabi na anim daw lang sila dito, pero hindi ko alam na may lalaki pala.

"Ate Althena, aalis na po daw kayo sabi ni boss." sabi ng lalaki.

Ay, napakagwapong binata, parang may lahing Spanish, ang tangos ng ilong. Eto na naman, ang gaganda ng mga lahi. Katulong lang yan bes, katulong lang pero shems, mukhang model ng Bench.

Lumingon sa akin si Alphie at tumango "Aalis na daw kayo ni Boss. Yieeee" at ngumiti na naman ng nakakaloko.

Dinampot ko na ang aking bag, at naglakad patungo sa pinto.

"Nasa labas na po si Boss" sabi ng binatang lalaki at umalis.

The Cold Eyed KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon