Chapter 26

188 12 5
                                    

Chapter 26

Mich's POV

Unti-unting kong minulat ang aking mga mata at nakita ko na nasa loob pala ako ng isang madilim na kwarto. Nakatali ang aking mga kamay at may tape ang aking bibig habang naka-upo ako sa malamig na sahig. Kumurap ako ng ilang beses dahil medyo malabo ang aking paningin. Naalala ko na ngayon ang mga nangyari bago ako nawalan ng malay.

Pero teka, nasaan si Justin? Alam kong nawalan din siya ng malay dahil hinampas siya ng baseball bat. Pero nasaan siya ngayon?

Nagulat ako ng biglang bumukas ang ilaw. Mukhang wala ako sa isang abandonadong lugar dahil ang gamit na nasa aking paligid ay malinis. Lumingon ako sa aking tabi at nakita ko si Justin na ngayon lang nagising.

Gusto ko siyang tawagin pero ang aking bibig ay natatakpan ng tape. Tumingin siya sa pintuan ng kwartong ito kaya sinundan ko kung saan siya nakatingin.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang lalaki na naka-itim kagaya nung mga lalaking nagkidnap sa amin. Lumapit sila kay Justin at laking gulat ko ng tinanggal nila ang nakagapos sa kamay ni Justin.

Sinusubukan kong gumawa ng ingay ngunit hindi nila ako pinansin. Tumayo si Justin at blangko ang kaniyang ekspresiyon na naglakad patungo sa mesa kasama ang dalawang lalaki. May kinuhang mask si Justin sa mesa at sinuot niya ito. Ang mask ay kulay puti at natatakpan ng mask ang kaniyang buong mukha. Ang nakikita ko lang ay ang kaniyang mga mata. Pagkatapos niyang suotin ang mask ay lumapit siya sa akin ngunit laking gulat ko na may bitbit siyang baril.

Kinakabahan na ako sa kaniyang mga ikinikilos. Nagkahalong kaba at pagtataka ang aking nararamdaman. Hindi si Justin 'yan, alam kong hindi magagawa ni Justin 'yan.

Napa-iyak nalang ako ng kinasa niya ang baril na hawak niya at lumuhod sa aking harapan. Nag-aapoy ang kaniyang mga mata sa galit. Mas lalo akong napahagulgol ng itinutok niya ang baril sa aking noo. Umiling-iling ako habang patuloy pa ring umaagos ang aking luha.

Ano ba ang kasalanan ko sa kaniya para gawin niya ito sa akin. Ano ba ang totoong Justin? Dahil hindi ito ang Justin na nakasama ko, ibang-iba siya sa Justin na nakilala ko.

Ang sumakit ang aking dibdib at nahihirapan na din akong huminga. Justin, huwag mong gawin 'yan sa akin please.

Natatanging pag-iyak lang ang nagagawa ko. Hindi ko na alam kung ano na ang susunod na mangyayari sa akin. I just close my eyes at narinig ko na ang putok ng baril. Para akong nabingi hindi dahil sa putok kundi dahil sa lakas ng tibok ng aking puso. Naramdaman ko nalang ang aking sariling katawan na napahiga sa malamig na sahig at nawala na ng malay.

"Mich, gumising ka." narinig ko ang boses na tumatawag sa aking pangalan.

Unti-unti akong dumilat at nakita ko si Justin sa aking harapan habang tinapik niya ang aking pisngi. Nagulat ako at agad ko siyang tinulak kaya napa-upo siya sa sahig. Nararamdaman ko pa rin ang kaba. Nagtataka naman siya sa aking ginawa ngunit hindi ko lang 'yon pinansin.

Tinignan ko ang aking mga kamay at hindi ito nakagapos. Hinawakan ko rin ang aking bibig at wala ng tape na nakadikit. Inilibot ko ang aking paningin at napag-aralan ko na nasa isang kwarto kami ngunit ang mga kagamitan ay tila mamahalin. Parang nasa loob kami ng kwarto sa isang mansiyon. Nakita ko naman ang mukha ni Justin na nagtataka.

So panaginip lang ang lahat ng 'yon. Hindi totoo ang Justin na nakasuot ng mask? Hindi totoo 'yung taong nagtutok ng baril sa aking noo. Nang sa wakas ay naiintindahan ko na ang lahat ay hindi ko mapigilang mapa-iyak at yakapin si Justin. Alam kong nagtataka pa rin siya sa aking inasta ngunit hindi ko talaga mapigilang maging emosyonal. Mas lalo akong napa-iyak ng gumanti rin siya ng yakap sa akin.

The Cold Eyed KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon