Chapter 32

153 17 8
                                    

Chapter 32

____________

READ AT YOUR OWN RISK. BASTA, ALAM NIYO NA ANG MANGYAYARI. YOU'VE BEEN WARNED!

____________

Tumakbo na ako papasok ng kaniyang bahay ngunit dumaan ako sa may sliding window nang hindi ko mabuksan ang pinto. I can still remember, ito 'yung bahay na pinuntahan namin noong kinuha ko 'yung damit ko. Naalala ko 'yung itim na pusa. Nasaan na kaya 'yun?

Nagtago ako sa likod ng isang malaking bookshelf na nasa malapit lang sa living room. Hinanda ko ang aking baril kung sakaling aatakihin niya ako. Napatayo ako ng matuwid ng marinig ko ang pagbukas ng pinto sa main entrance. Naririnig ko rin ang mahina niyang paghakbang. Bigla siyang tumigil kaya sinilip ko kung ano ang kaniyang ginagawa.

Huminto siya sa harap ng isang music player. Ano ba ang gagawin niya?

Pinanuod ko lang siya habang may kinakalikot sa isang tablet habang hawak niya pa rin ang kaniyang baril. Nagulat ako ng marinig ko ang musika mula sa mga speakers na nasa gilid ng malapad na TV.

Now playing Horns by Bryce Fox

Hey! In her heart there's a hole

There's a black mark on her soul

In her hands in my heart

And she won't let go 'till it's scarred

Dahan-dahan akong gumapang papasok sa kusina ng marinig ko ang kaniyang mga hakbang. Nakapasok na ako sa kusina at sinilip ko kung nasaan na siya. Nakatayo siya sa living room habang inilibot niya ang kaniyang paningin tila may hinahanap.

Nagulat ako dahil iba na naman ang kaniyang dalang baril. Hindi ko alam kung saan niya ito nakuha pero sigurado ako na nasa paligid lang nakalagay ang kaniyang mga natirang baril.

Napatago ako ng dumako ang kaniyang paningin dito sa kusina. Hindi ko namalayan na may nasagi akong bagay at paglingon ko ay narinig ko na lang ang pagkakahulog ng isang vase. Napapikit ako sa sariling katangahan.

"Shemsss" Singhal ko kasabay ang pagpaputok ni Cray sa edge ng wall.

Agad akong nagtago sa likod ng kitchen counter at naghahanda sa kaniyang pagpasok dito sa kusina. Nang makita ko siyang pumasok ay agad akong tumayo at pinaputukan siya. Hindi siya natamaan dahil agad siyang nakatago sa likod ng wall. Agad akong bumalik sa aking pinagtaguan dahil gumanti rin siya ng putok. Gaganti na sana ako ngunit nanlaki ang aking mga mata nang napagtanto ko naubos na pala ang bala ng aking baril.

"Fuudgee!" sabi ko at napatago pabalik sa likod ng kitchen counter.

Nagulat ako ng makita ko siyang nakatayo sa aking harapan at nakatutok sa akin ang kaniyang baril. Agad kong sinipa ang kaniyang kamay kaya tumilapon ang kaniyang baril. Sinipa ko siya sa tiyan kaya napasandal siya sa sink. Tumakbo ako papunta sa dining area ngunit napatigil ako ng maramdaman kong may humila sa aking buhok.

Hinawakan ko ang kaniyang braso na nakahawak sa aking buhok ngunit hindi niya pa rin ito binitawan. Kaya siniko ko ang kaniyang gilid at tinapakan ko ang kaniyang paa. Nabitawan niya ako kaya nagtungo ako sa kabilang parte ng mesa.

Ngayon ay magkaharap kaming dalawa. Nakatingin ako sa kaniyang mga mata ngunit hindi ko mabasa ang kaniyang ekspresiyon.

Ngayon ay pareho kaming walang dalang armas.

"According to Tita" panimula ko "you killed her husband."

Hindi siya nagsalita o gumalaw. Nakaharap lang siya sa akin. I didn't let my guard off dahil baka kung ano ang gawin niya sa akin.

The Cold Eyed KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon