Chapter 10

220 13 0
                                    

Chapter 10

Tinignan ko ang oras sa aking relo. 5:00 pm na at kailangan ko nang sunduin si Aldrin sa school. Pero hindi pa ako pwedeng lumabas dahil marami pa akong dapat gawin. Kailangan ko pang ayusin ang mga schedule ni Boss for this week since may bago siyang appointments.

Tinext ko si Mich na siya lang muna ang susundo kay Aldrin. Baka mamaya pa ako makaka-uwi.

Pagkatapos pala naming mag-usap ni Fevie, napagpasiyahan namin na bumalik na sa aming trabaho. Kahit konti, nagawa pa ni Fevie na magkwento sa akin tungkol sa relasyon nila ni Paul. Naisip ko na kung makikilala ko ang ama ni Aldrin, tatanggapin ba niya ang anak namin? Mamahalin niya ba kagaya ng pagmamahal na binigay ko kay Aldrin?

"Althena" napa-anggat kaagad ako ng tingin ng makilala ko ang boses na 'yon. Hindi nga ako nagkamali, si Boss nga.

"Bakit po?" napa-iwas ako ng tingin dahil hindi ko pa kayang salubungin ang mga titig niya.

Hindi ko parin matanggap ang mga nangyari kanina, kung bakit niya ginawa 'yon.

"I want to remind you that tonight" tumingin ako sakanya "you need to pack up your personal things because tomorrow, you're going to move at my place. You need to start your job tomorrow" kalmadong sabi niya.

Napamaang nalang ako ng maalala na bukas na pala ako magsisimula bilang personal secretary at yaya niya. Para naman siyang bata na kailangan pa ng yaya. Mas masarap pakinggan ang personal assistant kaysa yaya.

"Ok po boss" bulong ko. "Pero Saturday bukas. diba walang office?"

"And then when are you going to move? Monday? Tomorrow is the perfect day because no office works as you've mentioned. You'll have enough time to prepare" medyo tumaas na ang boses niya. Ang ikli ng pasensiya. Hindi mo pa nga sinabi sa akin kung bakit mo yun ginawa, yung ginawa mo sa nakaraang araw.

Tumango ako kunwari naintindihan ko ang sinabi niya "Saan po ang bahay ninyo?" nakalimutan ko kasi ang daan papunta sa bahay, I mean palasyo niya.

"My driver will pick you up at your house" may driver naman pala.

Pero "Paano mo nalaman ang bahay ko" baka minamanmanan niya ako.

"Remember, I have my sources" huling sabi niya at tumalikod na sa akin

What?! Baka alam na niya kung ano ang plano namin, kailangan talaga akong mag-inggat ng husto. Baka hindi ko lang namalayan na unti-unti na pala siyang kumikilos behind my back.

"Yah!" Tinignan ko kung saan galing ang boses na iyon, si Boss pala. Akala ko ba umuwi na siya "Please deliver those papers to Joan" sabay nguso niya sa mga papeles na nasa aking harapan. Hindi ko man lang namalayan na nilagay niya ito sa harap ko.

"Masusunod po" pagkatapos kong magsalita ay umalis na siya ng tuluyan.

Mukhang hindi ko na talaga masusundo si Aldrin sa school nila.

Mich's POV

Nasa harap ako sa gate ng school ni Aldrin. Ako kasi ang napag-utusan ni Althena na sumundo sa kanyang bagets.

Habang nag-aabang ako dito, nakita ko sa Aldrin, hindi siya nag-iisa dahil may kasama siyang lalaki. Hindi ko ito makilala dahil sa suot na cap.

Hanggang sa makalabas si Aldrin ay kasama pa rin niya ang lalaki. Nakita naman ako kaagad ni Aldrin kaya lumapit siya saakin. Nakatuon lang ang pansin ko kay Aldrin habang hawak niya ang kamay ng lalaki.

The Cold Eyed KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon