Chapter 4

253 16 1
                                    

Chapter 4

Napamulat ang aking mata dahil sa sinag ng araw na lumapat sa aking mukha. Inaalala ko ang mga nangyari bago ako nawalan ng malay.

Nakita ko lang naman ang mga matang 'yon, pero hindi ko pwedeng basta basta na lang siya paghinalaan. Baka katulad din ni Justin na napagkamalan kong siya ang lalaking gumahasa saakin noon.

Bakit ba mata lang ang nakita ko sa mga panahong 'yon.

Matagal ko ng hinanap ang lalaking gumahasa saakin. Sinubukan kong hanapin ang matandang babae na kumuha saakin para tanungin kung sino ba yang 'sir' na sinasabi niya ngunit wala na ito sa bar na siya rin ang nagmamay-ari nito. Simula noon, hindi ko na muling hinanap pa ang matandang babae.

Pero sa nangyari kahapon, naging desperada na akong hanapin siya. Gusto ko lang makuha ang pangalan ng lalaki at makilala kung sino ang ama ng aking anak.

Napatigil ako sa pag-iisip nang bumukas ang pinto. Teka, nasaan ako? Hindi pamilyar saakin ang kwarto.

"Miss, gising na pala kayo" ngumiti naman ang dalagang babae saakin. Masasabi mo na isa siyang katulong dahil sa suot niyang damit.

Shems, ang anak ko. Susunduin ko sana si Aldrin kina Tita dahil kasalukuyan silang walang pasok dahil nasunog nga ang kanilang classroom.

"Nasaan ako?" tanong ko sa babae

"Nasa mansyon po kayo ni Boss" ngumiti nalang siya ulit.

"Kailangan kong umuwi" baka hinahanap na ako ng anak ko

"Habilin po ni Boss sa akin na pagsilbihan ko po kayo"

"No, I need to go home" tumayo nalang ako sa kama at buti nalang suot ko pa rin ang damit ko kahapon.

Lumabas ako sa kwarto at sumunod naman saakin ang dalagang babae.

Napahinto ako sa labas dahil napansin ko ang malapad na hallway. Yung totoo, hallway pa ba to? Eh kasing lapad ito ng highway.

"Sumunod nalang po kayo saakin Miss" nauna ng maglakad ang dalaga.

Kaliwa't kanan akong napalingon sa mga pinto. Ang daming pinto, at mas maganda pa diyan ay may iba't-ibang kulay ang mga ito, tila nga earth colors. Ang gandang tignan.

Binuksan naman ng dalaga ang napakalaking pinto at bumungad saakin ang pabilog na sahig. Ang laki ng bilog, kasing laki ng Auditorium. Mansyon pa ba ito? Mukhang palasyo na nga eh.

"Wooow" nakakamangha talaga. Akalain mong makakita ako ng ganito kalaking bahay sa personal.

Makikita mo sa harap ng bilog ang dalawang magkaharap na hagdanan. Ang gandang tignan at napaka-elegante.

Napalingon naman saakin ang dalaga at ngumiti.

"Miss, ano pala ang pangalan mo?" tanong niyo saakin

"Althena" sagot ko habang nakatingala. Ang ganda kasi ng chandelier.

"Miss Althena, umupo muna kayo." hindi ko na namalayan na umabot na pala kami sa hapag kainan. Na-aaliw kasi ako sa paligid.

"Sige, salamat. Ano pala ang pangalan mo?" ang unfair naman dahil alam niya ang pangalan ko pero sa kanya hindi.

Ngumiti muna siya saakin ng napakatamis. "Ako si Alphie, diyan po muna kayo." sabi niya saka tumalikod at umalis.

The Cold Eyed KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon