Chapter 9
Nandito na ako ngayon sa harap ng building, hinatid ko pa kasi kanina si Aldrin sa school nila. Kagabi ko pala binuksan yung paper bag ni bigay ni Boss. Uniporme ng maid na kulay itim, pero hindi naman siya gaano ka ikli at hindi malaswang tignan, tama lang sa tangkad ko. Akala ko kung anong uniporme ito.
Totoo na bang maging katulong ako? Di bagay saakin maging yaya, pero kung para sa trabaho, gagawin ko. Paano na rin ang anak ko? Ang hirap talaga ng misyon ko ngayon.
"Good morning Althena" bati ni Fevie na nasa tabi ko pala. Hindi naman siya ganun ka snob.
"Good morning din" bati ko pabalik.
"Papasok ka na ba? Sabay na tayo" aya niya saakin.
Nilingon ko siya at nginitian "Sure!"
Nagsimula na kaming naglakad papasok. Ngayon ko lang nakita ng malapitan si Fevie at sobrang ganda niya talaga.
"Alam mo ba Althena, gusto kita" bigla nalang akong napalingon sa kanya na may pagtataka sa mukha. Tomboy ba siya?
Lumingon din siya saakin at natawa "Its not what you think" sabi niya bago binalik ang tingin sa harap. "I mean, I like you dahil ikaw ang naging secretary ni Boss."
Binaling ko nalang din ang aking tingin sa harap. "Bakit naman?" hindi ba niya nagustuhan ang mga nakaraang secretary ni Boss?
"Dahil simple ka, hindi kagaya no'ng mga nauna, ang lalandi. Baka nga naging secretary sila dahil gusto lang nilang landiin o akitin si Boss" halata sa kanyang mukha na naiirita siya. Teka, may gusto ba siya kay boss?
"Teka Fevi," Napalingon naman siya saakin. "May gusto ko ba kay Boss?" tanong ko bago kami pumasok sa elevator.
Natawa siya sa tanong ko. May nakakatawa ba sa tanong ko?
Napatigil siya sa pagtawa nang pumasok ang isang lalaki. Parang pamilyar siya. Sinilip ko ng kaunti ang mukha, ah naalala ko na. Siya si Paul, 'yong kaharap ni Fevie sa opisina.
Nilingon ko si Fevie at laking gulat ko ng makitang naka blangko ang kanyang mukha. Hindi na siya 'yong Fevie na nakasama ko kanina, parang nag-iba siya. Ay ang OA ng description ko pero 'yan talaga ang nakikita ko. Parang may something sa kanilang dalawa or I'm just overthinking."Okay ka lang?" tanong ko kay Fevie. Nag alala na ako sa kanya.
Nginitian lang niya ako nag nagpapahiwatig na okay lang siya. "Mamaya nalang tayo magkwentuhan. Mamayang lunch" halos pabulong niyang sabi saakin.
Anong meron sa dalawang to? Parang may something talaga sa kanilang dalawa.
"Ikwento mo saakin mamaya kung bakit ka nagkagusto kay Boss. Ahihihi" gusto ko kasing malaman kung anong meron sa kanila ni Boss.
Natawa nalang siya ulit. Bakit tumatawa siya sa tuwing binabanggit ko na may gusto siya kay boss. Baka nihihiya siya.
Pero biglang napalingon saakin si Paul matapos ko iyong itanong kay Fevie, ang sama ng kanyang tingin. May mali ba akong sinabi? Matapos niya akong tapunan ng tingin ay nabaling ito kay Fevie. Nakita ko rin si Fevie na nilalabanan ang masamang tingin ni Paul. Nakakatakot pala sila, para silang leon na handa ng makipaglaban.
Mabuti nalang tumunog na ang elevator at lumabas silang dalawa ng tahimik, baka gawin pa nila akong referee. Hindi ko na magawang magpaalam dahil wala sa mood 'yong dalawa. Nasa pinakataas kasi ang opisina ni Boss, kaya mag-isa akong sumakay sa elevator.
BINABASA MO ANG
The Cold Eyed Killer
RomanceSiya si Althena Dawn Lim, ang babaeng may pangarap sa buhay. Ngunit ito ay nasira dahil sa hindi inaasahang pangyayari. _____'''_____ Iniwan siya ng sariling ama kaya kinupkop siya ng kanyang Tita na may legal na...