Chapter 17
Hindi ako umimik habang buhat niya ako. Hindi na ako umangal dahil baka tuluyan na niya akong ihagis.
Pumasok kami sa isang clinic at wala kaming nakitang tao kahit isa. Dahan-dahan niya akong ibinaba sa hospital bed at tumayo siya ng maayos sa aking harapan.
"Wala bang tao dito?" tanong ko habang inilibot ang aking paningin sa buong clinic.
Ang cute kasi ng clinic dahil nasa baby blue at baby pink lang ang kulay nito. Ang sarap tuloy bumalik sa pagkabata.
"Wala, umalis sandali ang school nurse. May ina-asikaso." sagot ni Justin habang tinignan din ang kabuuan ng clinic.
"Kaya pala" sabi ko sabay tingin sa aking tuhod.
Naka maong short kasi ako kaya ayan tuloy, nagasgasan ang mala porselana kong tuhod.
Pero teka, bakit alam niya na umalis ang school nurse? Girlfriend niya ba ang school nurse or something ka close? Parang alam na alam niya talaga kung nasaan ito. Baka girlfriend niya nga, pero teka, ano ba ang ginagawa ni Justin dito?
"Diyan ka muna, hahanapin ko lang ang first aid kit." napatingala ako sa kanya nang bigla siyang nagsalita at nagulat ako dahil nakatingin na pala siya sa akin.
"Okay" sabi ko at nag-iwas ng tingin. I feel the awkwardness.
Naramdaman kong umalis na siya sa aking harapan. Siguro, hahanapin na niya ang first aid kit. Ang laki pa naman ng clinic, tapos marami ring cabinet na sa tingin ko ay naglalaman ito ng mga Health Forms ng mga bata.
May mga anim na hospital bed at dalawang sofa na magkaharap. Ang dalawang sofa ay malapit sa isang desk na nasa pinakadulo ng clinic, siguro desk ito ng school nurse.
Naglakad si Justin patungo sa desk at tinignan ang ilalim nito.
Now, I saw the other side of Justin. Akala ko puro lang kalokohan ang kaya niyang gawin, may tinatago din pala siyang kabaitan. Medyo gentleman pala itong si Justin.
Tinignan ko ang aking tuhod na may panyo. Napangiti ako ng maalala ang kanyang reaksiyon kanina, his worried expression. Ang seryoso kasi ng mukha niya kanina habang tinalian niya ng panyo ang aking sugat. Ang cute niya rin kapag nag-alala dahil napansin ko kanina na habang buhat niya ako, lagi niyang kinakagat ang kanyang labi na parang ninenerbiyos. Lumitaw tuloy ang kanyang dimples.
Napatigil ako sa pag-iisip ng biglang tumunog ang aking cellphone. Inabot ko ang aking maliit na bag at kinuha ang aking cellphone. Nakita ko ang pangalan ni Angelie, ang aking best friend na Doktor.
She is the doctor that I consulted about sa DNA test.
Binasa ko ang kanyang mensahe.
_______
From: AngelieYow wassup, I'm available this week. Pwede ka ng pumunta sa clinic.
_______Buti nalang nandiyan si Angelie, I think she could help me. Siya lang ang sinabihan ko tungkol sa DNA test nina Justin at Aldrin at gaya nga ng napagplanuhan ko noon, kailangan ko munang kumpirmahin. Saka ko lang sasabihin kay Althena kapag sigurado na talaga ako.
Ibabalik ko na sana ang aking cellphone sa aking bag ngunit may naalala ako.
Ano ba ang kukunin kong bagay sa kanilang dalawa para sa isasagawang DNA test? I mean, ang alam ko lang ay through blood. Habang nandito rin si Justin, this is the perfect timing.
Binuhay ko ulit ang aking cellphone at agad tinawagan si Angelie, baka paparating na si Justin at malaman niya ang plano ko. Itatanong ko lang kung ano pa ang mga bagay na pwedeng gamitin para sa DNA test, maliban sa dugo. Kailangan ko yung bagay na madali lang makuha.
BINABASA MO ANG
The Cold Eyed Killer
RomanceSiya si Althena Dawn Lim, ang babaeng may pangarap sa buhay. Ngunit ito ay nasira dahil sa hindi inaasahang pangyayari. _____'''_____ Iniwan siya ng sariling ama kaya kinupkop siya ng kanyang Tita na may legal na...