Chapter 7
Althena's POV
Maaga akong pumunta sa bahay nila ni Mich. Kagaya ng aking sinabi kahapon na may pag-uusapan lang kami ni Tita.
Dinala ko naman si Aldrin dahil iiwan ko na naman siya kay Mich. Didiretso na kasi ako sa trabaho kapag natapos na kaming mag-usap. Nawawalan na ako ng oras sa anak ko. Siguro babawi ako sa susunod.
"Mom, pupunta po ba tayo kay Mamita?" tanong ng anak ko.
Nilingon ko siya "Yes baby, iiwan na naman kita sa Tita Mich mo" nakakalungkot dahil hindi ko makakasama ang baby ko.
First time ko lang kasing magkaroon ng misyon na pangmatagalan, hindi kagaya sa mga misyon ko noon na matatapos lang sa loob ng isang araw o isang linggo. Kaya naninibago rin ako dahil palagi kong maiiwan si Aldrin.
"Kailan po ba ako babalik sa school?" Oo nga pala, nag-email saakin kagabi yung school ni Aldrin na simula bukas ay babalik na sa normal yung class niya.
"Tomorrow na baby"
"Yehey, I'm excited. Namiss ko pumasok sa school" itinaas niya pa ang kanyang dalawang kamay.
Napangiti nalang ako habang nagmamaneho. He's my sunshine.
Dumating na kami sa bahay nila Tita. Pagpasok palang namin sa bahay nila ay tumakbo kagad si Aldrin patungo kay Mich, dala-dala ang kanyang backpack.
"Good morning Tita Mich!!!" sabay yakap sa hita ni Mich.
Ngumiti si Mich at umupo upang humalik sa pisngi ni Aldrin. "Good morning too Baby."
"Hi Mich. Si Tita, nasaan?" tanong ko sa kanya.
"Nasa taas, nadoon sa loob ng office niya" sagot niya habang dinala si Aldrin sa isang kwarto.
Umakyat ako sa hagdan at nagtungo sa mini office ni Tita. Malaki rin ang bahay nila pero hindi kasing laki ng bahay ni Boss.
Nang makarating na ako sa opisina ay nadatnan kong nakabukas ang pinto. Pumasok nalang ako at nakita ko si Tita na busy pa rin as usual.
"Good morning po Tita" bati ko sa kanya. Napatingin naman siya saakin saka ngumiti.
"Good morning too, nabanggit nga ni Mich na may dapat daw tayong pag-uusapan? Tungkol saan ito Althena?"
Umupo ako sa upuan na nasa harapan. "Tita, tatanungin ko po sana 'yong tungkol sa taong papatayin ko, siya po ba talaga?" mabuti ng malaman ko ito ng mas maaga, para mapagplanuhan ko kung kailan ko siya papatayin.
"Sabi ng cliyente ko, nakumpirma na nila na siya talaga. Si Dustin Cray Vergara, ang CEO ng kompanya. Kina-usap nila ako kahapon at sinabi nila na they hired a private investigator." sabi ni Tita.
So, sure na talaga na si Dustin Cray Vergara ang target ko. Excited na ako. Hehehe. Kakaiba talaga ang misyon ko ngayon, ako mismo ang kumilala sa taong papatayin ko. Mabuti nalang na nalaman nila kaagad kung sino. May gusto silang ipapatay na tao tapos hindi nila alam kung sino ito. Tsk.
"Malaki ang kanilang ibinayad. Kaya Althena, ayusin mo ang iyong trabaho" sabi ni Tita. Tumango nalang ako bilang pagsang-ayon.
Siguro mahirap siyang patayin kaya malaki ang ibinayad o di kaya desperado talaga ang aming cliyente na ipapatay si Dustin.
Naalala ko pala yung deal namin ni Boss, kailangan ko muna ipaalam kay Tita "Siya nga pala Tita, inalok ako ni Boss, este ni Dustin na maging personal secretary niya" tumingin siya saakin "Papayag po ba kayo?" para naman akong isang bata na humihingi ng pahintulot mula sa kanyang ina.
BINABASA MO ANG
The Cold Eyed Killer
RomanceSiya si Althena Dawn Lim, ang babaeng may pangarap sa buhay. Ngunit ito ay nasira dahil sa hindi inaasahang pangyayari. _____'''_____ Iniwan siya ng sariling ama kaya kinupkop siya ng kanyang Tita na may legal na...