Chapter 12
"Dito ka gagawa ng kape ni Boss" sabi ni Alphie habang hinahanda ang mga kagamitan para sa kape.
Kahit pala dito sa bahay ni Boss, meron pa rin siyang sariling pagawaan ng kape. Siya na ang mayaman.
Sinimulan ko na ang pagtimpla ng kape, kagaya lang ng ginawa ko sa opisina at ang itinuro ni Joan.
"Sige Althena, maiwan na kita dito. Marami pa kasi akong gagawin. Alam mo na naman kung saan banda ang office ni boss." sabi ni Alphie habang nakatingin sa tasa na pinagtitimplahan ko ng kape.
Tinignan ko siya at nginitian, na parang sinisigurado ko na okay lang ako. Susundin ko nalang ang kanyang tinurong kwarto kanina.
"Ako na ang bahala dito" kahit hindi ko pa alam kung saan exactly ang office ni sir.
Ayaw ko namang abalahin pa si Alphie na magpasama patungo kay boss dahil marami nga siyang gagawin. Kaya ko naman 'to diba? Ako pa.
"Sige Althena, mauna na ako. Kaya mo 'yan" sabi niya sa tonong nang-aasar bago umalis sa tabi ko.
Pagkatapos kong magtimpla ng kape ni boss ay nilagay ko ito sa isang tray kasama ang isang kutsarita. Tinignan ko ang kabuuan ng kitchen. Nakakamanghang tignan ang mga naka-ayos na kagamitan. Parang wala kang makikitang alikabok at tila lahat ng gamit ay bago. Simple lang ang pinagsamang kulay itim at puting dingding na malambot sa mga mata at maging ang disenyo nito ay na-aayon.
Lumabas na ako sa kusina at nagtungo sa hagdanan. Buti nalang hindi ako naligaw, sa laki ba naman ng palasyo ni Boss, tapos wala ka pang makikitang tao. Ewan ko ba kung may maraming maid ang palasyong ito. Malaking-malaki talaga ang bahay kaso walang katao-tao. Nasaan kaya ang mga kasama ni Alphie, kahit si Alphie hindi ko nakikita.
Bumuntong hininga ako bago umakyat sa kanang hagdan kung saan ang opisina ni boss.
Habang naglalakad ako paakyat, nakikita ko ang napakadilim na hallway. Kahit malalaki ang bintana dito sa hallway ay madilim pa rin dahil medyo hindi maganda ang panahon. Medyo madilim ang kalangitan na tila uulan ngayon.
Nakita ko naman ang isang malaking pinto, wala talaga akong makakitag maliit na pinto, lahat ay puro malalaki. Napatingin din ako sa mga ilaw na sobrang aesthetic.
Pinihit ko ang doorknob ng unang pinto na nakita ko, ngunit ayaw nitong mabukas. Kumatok ako ng kumatok na parang sasakit na ang kamao ko sa kakakatok pero wala pa rin akong naririnig na tugon.
Tumingala muna ako at napabuntong hininga. Lumingalinga muna ako baka makahanap pa ako ng ibang pinto. At ayun, nakita ko ang isang pinto, nakaawang ito kaya malaki ang kutob ko na ito na ang opisina ni boss.
Agad akong nagtungo sa pinto, huminto muna ako sa harap nito at sumilip. Pero kagaya ng inaasahan ko, madilim na naman ito.
Hinigpitan ko ang hawak na tray at dahan-dahang pumasok. Ngayon, wala na talaga akong makikita sa sobrang dilim. Napatigil ako dahil nakabangga ako ng isang matigas na bagay, kinapa ko ito at sa pagkakahula ko, ito ay mesa. Pinatong ko ang tray sa mesa saka umatras.
Hahanapin ko kung nasaan na ang switch. Ngunit laking gulat ko ng biglang nagsara ang pinto.
Fudge! Totally black out na at para na akong nakapikit. Nagsimula na akong mataranta. Ayaw na ayaw ko talaga sa dilim, I hate darkness like completely darkness.
Halos mapatalon ako sa kaba ng may humawak sa aking bewang at ang mga kamay na iyon ang nagpapatigil sa aking sistema.
"Fudge, s-sino ka?" hindi ko mapigilang mautal dala sa kaba.
BINABASA MO ANG
The Cold Eyed Killer
RomanceSiya si Althena Dawn Lim, ang babaeng may pangarap sa buhay. Ngunit ito ay nasira dahil sa hindi inaasahang pangyayari. _____'''_____ Iniwan siya ng sariling ama kaya kinupkop siya ng kanyang Tita na may legal na...