Chapter 34

65 6 1
                                    

Chapter 34

Nagbihis na ako ng isang kulay blue na dress. Naghihintay na sina Cray at Aldrin sa baba kaya nagmamadali ako.

Pagbaba ko ng hagdan ay nakita ko si Cray at Aldrin na naka-upo sa sofa. Inaayos ni Cray ang maliit na bow tie sa suot ni Aldrin. Ang cute nilang panoorin. Nakababa na ako at lumapit sa kanila. Sabay naman silang napalingon sa akin.

"Mom, you look so pretty." sabi ni Aldrin na nagpangiti sa akin.

Napatingin din si Cray sa akin at tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Napatingin ako sa ibang direksiyon dahil hindi ko kayang salubungin ang kaniyang tingin.

"Uhm. I think we need to go. Baka ma late tayo." Suhestiyon ko.

"Oh, yeah. I think we need to go." Sabi ni Cray at ibinaling ang kaniyang tingin kay Aldrin.

Hinawakan ko ang kamay ni Aldrin saka kami lumabas at pumunta sa garahe. Ako at si Cray ang nasa harapan habang si Aldrin lang ang naka-upo sa likuran.

"Dala mo na ba ang envelope?" tukoy ko sa envelope na nilagyan ng result sa paternity test.

"Yes, it's ready." Sagot niya at pinaadar na ang makina ng sasakyan.

Umalis na kami habang tinatahak namin ang madilim na daan. Habang nasa loob ng kotse ay hindi ko mapigilang kabahan. Imagine, hindi lang ang ama ni Cray ang makakasalamuha ko, pati na rin ang iba nilang angkan.

"Kinakabahan ako." Sabi ko at napabuntong hininga.

"Huwag kang kabahan. Just act normal para hindi magmukhang kahinahinala. My father is a very keen observant."

Mas lalo akong kinabahan dahil sa kaniyang sinabi. Expected na sa isang Vergara ang ganoong klaseng katangian.

"Paano kung mahahalata niya na nagkukunwari lang tayo?"

"Hindi niya tayo mahahalata if we act naturally."

Napatingin ako sa kaniya. "How?"

"I know you used to act Althena, from your previous missions on assassinating people. It's not new to you, or if you want to have an effective result," He paused and looked at me in the eyes. "just think or imagine that we are a real family." Sabi niya at binalik ang tingin sa kalsada.

Napatingin ako sa labas habang nadadaanan namin ang mga poste ng ilaw sa gilid ng kalsada. Tama ang sinabi ni Cray na hindi na bago sa akin ang pagpapanggap. Kung tutuusin ay hindi naman mahirap ang gagawin kong pagpapanggap ngayon.

Hindi ko namalayan na papasok na pala kami sa isang gate. Lumingon si Cray kay Aldrin na nakaupo sa likuran.

"Are you ready Al for tonight's mission?" tanong niya kay Aldrin.

"Yes Dad, I'm ready."

'Dad', ang sarap pakinggan mula sa bibig ni Aldrin. Kahit alam kong peke lang ito ay parang tunay niya talagang ama si Cray.

Ngumiti si Cray at tumingin sa akin. "Are you ready?"

"Yes. We can do this." Sagot ko at napansin kong napangiti si Cray.

"Good."

Pinarada na ni Cray ang kaniyang sasakyan kasama ang iba pang sasakyan. Sa nakikita ko ngayon, puro mamahaling sasakyan ang mga nakaparada. Sobrang kintab ng mga ito at mukhang kakabili lang. Siguro ay nandito na ang ibang Vergara.

The Cold Eyed KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon