Chapter 37

38 2 0
                                    

Chapter 37

Napabangon ako sa aking pagkakahiga. Diretso ang aking mga mata sa isang magandang babae na naka-upo sa paanan ni Cray habang naka-upo sa kaniyang tabi si Aldrin.

Siya na ba 'yung ex ni Cray? Napakaganda! Bagay talaga ang kaniyang mala-anghel na boses sa kaniyang mala-anghel din na mukha. Nagulat ako nang bigla siyang lumingon siya sa akin.

"Sorry, hindi na kita ginising." tumayo siya at lumapit sa akin. "Missy pala. Cray's friend. Nice to meet you." inabot niya sa akin ang kaniyang kamay at pinakita niya ang kaniyang napakagandang ngiti. Sobrang ganda animo'y hindi makakabasag ng baso.

Tinanggap ko ito. "Althena..." tinignan ko ang aming kamay saka tinignan ko siya. "Uhm, Cray's current p-partner."

"Yeah, I heard it from Cray himself." sabi niya sabay ngiti.

Lumayo na siya sa akin at bumalik na sa tabi ni Cray. So close na sila ni Cray? Saka pwedeng-pwede talagang maging magkaibigan ulit ang mag-ex, 'yung ganyan kaclose. Sarcastically speaking.

Si Aldrin naman ang lumapit sa akin sabay bati. "Good morning mommm." sabay halik sa aking pisngi.

"Good morning too baby, how was your sleep katabi ang Dad mo?" diniinan ko ang salitang 'Dad'.

"It was so comfortable and the bed was so soft. It is so soft that I was able to jump, like this..." sabi ni Aldrin at tumalon-talon sa sofa na inuupuan ko.

Hinawakan ko siya dahil baka malaglag. Natawa nalang ako sa ginagawa ni Aldrin. Narinig ko ring tumawa si Missy. Shems, pati ang pagtawa niya ay mala-anghel din.

"Okay, that's enough. Baka malaglag ka. Halata naman sa energy mo ngayon na nakatulog ka talaga ng maayos." sabi ko sabay tawa. Ang kulit-kulit talaga ni Aldrin.

Niligpit ko muna ang kumot at unan na ginamit ko. Napagdesisyunan ko na kumain muna kami ni Aldrin ng almusal sa labas habang si Missy muna ang magbabantay. Pero ayaw ko silang iwan na sila lang dalawa lalo pa't tulog pa si Cray. Baka ano ang gawin ni Missy kay Cray.

"I can stay here. Both you and Aldrin can have your breakfast outside." sabi niya at naka-upo pa rin sa tabi ni Cray.

Nagdadalawang-isip akong umalis. What if magpadala nalang kami ng pagkain dito? I think may delivery service naman. I can't leave this room with just the two of them.

"Mom, let's gooo. I'm so hungryyy." daing ni Aldrin habang hilahila niya ang laylayan ng aking damit.

"O-okay baby. Let's go." lumingon ako kay Missy. "Aalis muna kami Missy. Babalik din kami kaagad."

"Yeah sure. Take your time." tugon at ngumiti na naman.

At talagang babalik kami kaagad. Kakaiba ang pakiramdam ko sa babaeng ito.

Umalis na kami ni Aldrin at habang naglalakad ay hindi ko maiwasang isipin na 'yun na talaga ang ex ni Cray? Sa tingin ko ay mukhang nakipag-plastikan lang ako sa harap niya kanina. Tapos nakakapagtaka lang dahil bakit ngayon lang siya dumating? If I heard it right, matagal-tagal na rin silang break ni Cray and out of the blue ay nandito na siya. Ang ganda talaga ng timing. What if babalik nalang ako sa kwarto ni Cray?

Tumigil ako sa paglalakad at nagdadalawang-isip kung babalik ba o hindi. Nagtataka namang tumingala si Aldrin habang hawak ko ang kaniyang kamay.

"Mom?"

The Cold Eyed KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon