Chapter 18
Althena's POV
Sumunod ako kay boss habang bitbit ko ang suitcase. Hindi naman ito masyadong mabigat dahil mga iilang documents lang ang laman nito.
Nang nakapasok na ako ay nakita kong umakyat si boss sa hagdan papuntang second floor.
Inilibot ko ang aking paningin habang naglalakad ako sa first floor at iilan lang na costumers ang nakikita ko. Sabagay, maaga pa pero sa tingin ko, mamayang gabi ay dadagsa na ang mga costumers.
Bago ako umakyat at sumunod kay boss, tinignan ko ulit ang paligid. Not bad dahil maganda ang resto. I like the ambiance dahil para siyang ancient na resto, 'yong sa panahon ni Dr. Jose Rizal. The tables and chairs are made of wood.
Nang nakuntento na ako sa nakita ay umakyat na ako sa hagdan. Habang papa-akyat ako ay hindi ko mapigilang mamangha, para talaga akong nag ta-time travel sa panahon ni Jose Rizal.
Ang ganda kasi ng mga ilaw na may kulay na something yellowish. Makikita mo din ang dingding na napaka-kintab, at hindi lang dingding, maging sa sahig din.
Wala namang masyadong tao sa second floor kaya nakita ko agad si boss na nakipag shake hands sa isang hindi gaanong matandang lalaki. Siguro ito na si Mr. Gonzales.
Lumapit na ako sa kanila dala-dala ang suitcase. Malapit lang sila sa may terrace kung saan ay makikita mo lang maliit na cafe at ang malapad na park. Nang makalapit ako sa kanila ay agad akong tumabi kay boss.
"Mr. Gonzales, this is my secretary" pagpakilala ni boss sa kanyang magandang secretary, wala ng iba kundi ako.
"Althena Dawn po." pagpakilala ko sabay abot ng aking kamay.
"Mr. Shawn Gonzales, nice to meet you Althena" sabi ni Mr. Gonzales at nakipag-shake hands din sa akin.
Ang professional niyang magsalita, halatang isang magaling na business man.
Napatingin siya kay boss "At first glance, I thought she was your girlfriend or wife"
Nanlaki ang aking mga mata ng marinig ang sinabi ni Mr. Gonzales. Mukha ba akong girlfriend ni boss? Sino ba naman ang mag-aakala na sa ganda kong 'to, ay isa lamang akong sekretarya at katulong na nanunungkulan sa isang mayaman na nagmamay-ari ng C.C.C.
Natawa si boss na agad din napalitan ng seryosong ekspresiyon. "No she's not."
"You're in a right age to find a relationship. Kung gusto mo ay pwede kitang ireto."
"I'm sorry if it's rude, but we're here to deal something, not to discuss my personal life. Also we are in a hurry because we still need to go back "
Spell awkward. Tiklop doon si Mr. Gonzales. Hindi naman masama na mangumusta sa relationship ni boss. Mr. Gonzales is a babble person at sigurado ako na naiirita na si boss dahil doon.
"I'm sorry" hingig paumanhin ni Mr. Gonzales at tumingin sa mesa. "How about we'll now take a sit"
Tumango lang si boss at umupo na sa upuan, habang ako ay tumabi sa kanya. Umupo na rin si Mr. Gonzales sa aming harapan at nilagay ang kanyang kamay sa ibabaw ng mesa.
"Mr. Vergara" panimula ni Mr. Gonzales. "Let's talk about first about my purchase, 'yong lupa malapit sa hacienda ninyo."
So 'yong pinag-usapan pala nila noon ay tungkol sa lupa. 'Yong sinabi ni Boss na 'mahal'.
Lumingon si Boss sa akin na parang nang-aasar. Napa-iwas ako ng tingin ng maalala ang nangyari kagabi, that Cardo thingy. Nakakahiya talaga.
Hindi kalaunan ay ibinaling ni boss ang kanyang tingin sa aming harapan. Nakapandekwatro si Boss bago nagsalita. "It's 80.5 million" walang emosyon niyang sabi.
BINABASA MO ANG
The Cold Eyed Killer
RomanceSiya si Althena Dawn Lim, ang babaeng may pangarap sa buhay. Ngunit ito ay nasira dahil sa hindi inaasahang pangyayari. _____'''_____ Iniwan siya ng sariling ama kaya kinupkop siya ng kanyang Tita na may legal na...