Chapter 14

258 12 0
                                    

Chapter 14

Naglalakad kami ni Boss sa gitna ng lubak-lubak na daan at nakikita ko ang mga bahay kubo sa paligid.

Huminto ako sa harap ng unang bahay. Siguro hihingi kami ng tulong dito at kung pwede, dito muna kami magpapalipas ng gabi. Wala na rin kaming ibang choice. Naiwan din kasi ni Boss ang kaniyang cellphone sa kaniyang sasakyan at walang signal dito kaya walang silbi rin ang cellphone ko.

"Tao po, tao po" sabi ko at hinawakan ang bakod na kawayan.

May kawayan kasing naka bakod at maliit lang ang bahay na gawa rin sa kawayan.

"Maybe tulog na sila" sabi ni Boss na nakatayo sa likuran ko.

Siguro tulog na dahil nakapatay na ang ilaw nito, gabi na kasi at baka maka-abala pa kami.

Bumitaw na ako sa bakod at laking gulat ko nang may tumahol na aso. Nakita ko ang isang puting aso na nakatayo malapit sa pinto ng bahay at tahol ito ng tahol sa amin. Hindi naman yan makakalabas sa bakod?

Naramdaman ko na hinawakan ni Boss ang balikat ko. Shems, halos mapatalon ako sa gulat, bakit niya ba hinahawakan ang balikat ko. Hindi ko alam kung ano ang una kong iisipin.

"Is it a d-dog right?" nauutal na tanong niya.

"Yes" sagot ko habang nakatingin pa rin sa asong tumatahol.

"I think we n-need to go" nanginginig na ang kanyang kamay sa balikat ko.

Nilingon ko siya at saka tinignan ang kanyang kamay sa aking balikat. Bilib talaga ako nito kay boss, kahit nanginginig na sa takot ay kalmado pa rin ang kanyang ekspresyon pero makikita mo sa kanyang mga mata ang takot. Tama nga sila, eyes don't lie. Makikita mo sa kanyang mga mata ang kanyang emosyon.

"Takot ka sa aso?" pang-aasar ko. Para kasi siyang ewan na nakahawak sa balikat ko. Parang hindi siya si boss na kinatatakutan ko sa unang araw na nagkita kami.

Binawi niya ang kanyang kamay sa balikat ko "No, I'm not afraid of them, they are j-just disgusting" medyo humina ang kanyang boses sa pagsabi ng huling salita.

"Disgusting, sabihin mo lang na takot ka sa kanila." pang-aasar ko pa sa kanya.

Pero imbes na sumagot, unti-unting lumaki ang kanyang mga mata.

"Althena Dawn," diin niyang tawag sa pangalan ko "On count of three, tatakbo tayo"

Bakit naman kami tatakbo? Hindi naman kami hinahabol and did he just call my first and second name?

"Bakit po?" tanong ko habang nagtatakang nakatingin sa kaniya.

Sabi na kasi e, takot sa aso ang boss ko. Pinigilan ko hindi matawa. Pft.

"Don't ask any questions, just follow what I've said" sabi niya at palipat-lipat ng tingin sa akin at sa aking likuran.

Dahil gusto ko pa siyang maasar. "Bakit nga po, aminin mo na kasing takot ka sa aso. Hahaha" nakangisi kong pang-aasar.

"D-dahil nakalabas na siya" kalmado pa ring sabi niya at dahan-dahang umaatras habang nakatingin sa likuran ko.

"Sinong siya?" nagtataka kong nilingon kung saan siya nakatingin.

Agad akong tumabi kay boss ng makita ang aso na nasa labas na ng bakod at patuloy pa rin ito sa pagtahol na parang ready na itong umatake. Mas lalong lumakas ang tibok ng aking puso sa naisip na baka kagatin kami nito.

The Cold Eyed KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon