Chapter 29

142 13 2
                                    

Chapter 29

Dahan-dahang lumalakbay ang kaniyang kamay mula sa aking bewang patungo sa aking likuran. Ngunit agad kaming napatigil at sabay na napatingin sa kusina dahil biglang tumunog ang oven, hudyat na na-baked na 'yung cake.

Tumingin ako sa ibang direksyon nang kumalas si Cray mula sa pagkakayakap sa akin.

"I'll check it first." Sabi niya at umalis na papunta sa kusina.

Hindi ako umimik at napatingin lang sa kabilang direksyon. Napakagat ako sa aking labi ng maalala ang ginawa namin kanina. Mutikan na 'yun. Bakit ba ako nagpapadala sa temptasyon. Unti-unti kong nilingon si boss na nasa kusina at nakita ko siyang inilipat ng lalagyan ang cake at sinimulan ang paglalagay ng icing.

Tinignan ko ang dining area at okay na ang lahat. Ihahanda ko nalang ang mga pagkain. Nagdadalawang-isip pa ako kung pupunta ba ako sa kusina para kunin ang mga dishes o hindi, eh kasi nandun si Cray. Nakakailang kasi dahil sa nangyari kanina― argh, heto na naman naalala ko na naman ang nangyari kanina.

Pumunta nalang ako sa kusina at kinuha ang mga pagkain.

"Ihahanda ko na 'tong mga pagkain, baka paparating na sila." Sabi ko nang pumasok ako sa kusina na hindi tumitingin kay Cray.

Hindi ko siya narinig na sumagot kaya napatingin ako sa kaniya. Laking gulat ko na nakatingin din pala siya sa akin.

"Sorry from what I did earlier. Just forget what happened." Sabi niya.

Wala lang pala 'yung nangyari kanina. Akala ko kung ano na. Teka, bakit parang nag-expect pa ako eh wala lang naman 'yun.

Pinilit kong ngumiti at marahang tumago. "Okay Boss."

And the kitchen filled with silence. Nakatingin lang kami sa isa't-isa. Wala ni-isang gustong umiwas ng tingin. Hindi ko talaga maiintindihan ang aking nararamdaman sa tuwing kami'y magkatitigan.

Saka lang kami nag-iwas ng tingin ng tumunog ang cellphone ni boss. Nagpatuloy ako sa aking ginagawa habang sinagot naman ni boss ang tawag.

"Yes?" sagot ni boss.

"Paparating na po kami." Siguro si Alphie ang kausap niya.

"Okay. Just like we've planned, kayo na ang bahala kay Manang Luz."

"Yes boss."

Binaba na ni boss ang tawag pagkatapos nilang mag-usap.

"Althena." Bakit napapasindak ako sa tuwing tatawagin ni boss ang aking pangalan.

"Yes boss?" lumingon ako sa kaniya habang bitbit ko ang isang dish.

"Okay na ba ang mga foods sa dining?" tanong niya.

"Aayusin ko pa ang pagkakalagay ng mga pagkain sa mesa."

"Sige, after that ay bumalik ka dito. Help me with this cake."

Medyo malaki ang circular na cake at ang icing pa ang nailagay niya, wala pang frosting o kung anong pandesenyo sa cake.

"Noted boss." Sagot ko at nagpatuloy sa aking ginagawa.

Inayos ko muna ang pagkakalagay ng mga foods sa mesa. Nilagay ko sa gitna ang mga pagkain habang may nakahanda ng plato at kutsara sa gilid. Tinignan ko ang buong dining area at handa na ang lahat, mula sa mga pagkain hanggang sa mga balloons.

The Cold Eyed KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon