Chapter 21

280 12 4
                                    

Chapter 21

Althena's POV

Dapit hapon na kaya nagsimula na akong magligpit ng aking mga gamit. Napagdesisyunan namin na magkita-kita lang sa harap ng building. And guess what? Pumunta pa rito si Angel para ibalita na sasama raw si Scrapper. Gusto ko sanang sabihin na hindi na ako matutuloy dahil nandiyan si Scrapper but sinabi ni Angel na magtatampo raw sa akin si Joan.

So ayun, sasama pa rin ako kahit alam kong makakasama namin si Scrapper. I told you before na I won't broke a promise. Besides, ayaw ko na sumama ang loob ni Joan sa akin. Dahil hindi ko maiitanggi na naging close rin kami sa mga nagdaang araw at mabait siyang tao.

Paglabas ko ay nakita ko sina Angel, Joan, at Fevie ngunit walang Scrapper. Ibig sabihin ba nito na hindi sasama si Scrapper?

"Nandito na pala si Althena" sabi ni Angel kaya napalingon sa akin sina Joan at Fevie. Pero nagtataka pa rin ako kung bakit wala si Scrapper.

"Si Scr-, I mean si Allison?" titigilan ko na siguro ang pagtawag ng Scrapper sa kanya. Dahil baka isang araw ay madulas ako at matawag ko siyang Scrapper, malaking gulo na naman.

"May ina-asikaso pa, hihintayin nalang natin. Sabi niya kasi kanina na may sasabihin siya kay boss." si Fevie na ang sumagot.

Ano ba ang kailangan niya kay boss. Tapos pinahintay pa kami rito. Ang dapat sa kanya ay iwan ng mag-isa.

Nakita naming lumabas si Jay mula sa building. Para siyang nagmamadali at napapanic.

"Jay!" napalingon siya sa akin at lumapit. "Bakit ka nagmamadali? Hindi ka ba sasama sa amin?"

Nagpatango rin si Angel na parang sumasang-ayon. Tapos na ang kanilang report kaya meron na silang oras para magbonding.

Tinignan muna ni Jay ang kanyang relo. "Sorry mga girls, pero kailangan ko na kasing umuwi."

"Bakit? May nangyari ba? May emergency?" tanong ni Joan.

"Tumawag kasi si mudrabels, emergency daw at kailangan kong umuwi ng maaga."

"Bakit? Anong nangyari kay Tita? Okay lang ba siya? Kailangan na ba siyang dalhin sa ospital? Sabihin mo kung anong nangyari." napapanic na tanong ni Angel at hinawakan pa ang magkabilang balikat ni Jay.

Kilala siguro ni Angel ang nanay ni Jay dahil makikita mo rin sa kanyang mukha ang pag-aalala.

Biglang tinulak ni Jay ang mukha ni Angel kaya nabitawan nito ang balikat niya. "Gaga, walang nangyari kay mudrabels."

"Eh bakit kailangan mong umuwi? Wala namang nangyari kay Tita. Kung sumama ka na lang kaya sa amin. Baka may mabingwit pa tayong mga isda sa beer house." nagtaas-baba ang kilay ni Angel habang may malaking ngisi sa kanyang labi.

Pinigilan kong matawa. Mamimingwit ng isda? Pwede bang sumali sa pamimingwit? Mukhang exciting kasi.

Huy Althena, parang nagmukha kang babaeng desparada ng makakita o makakuha ng lalaki. Pero, babae rin naman ako. Natutukso rin ako sa mga lalaking may umiigting ang panga. Umiigting na panga talaga?Siguro nasobrahan na ang pagbabasa ko ng novels.

"Bet ko 'yan bhie." nakangiting hinampas ni Jay si Angel sa braso. "Pero emergency kasi eh."

"Bakit ka ba kasi nagmamadali? Anong emergency?" tanong ni Angel.

Nakatingin na din sina Joan at Fevie kay Jay na parang hinihintay din nila na marinig ang sagot nito. Ako rin, gusto kong malaman kung bakit siya nagmamadali.

The Cold Eyed KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon